Tagalog
Ini-release ang Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Kirghiz
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702024140/univ/art/702024140_univ_sqr_xl.jpg

NOBYEMBRE 14, 2024
KYRGYZSTAN

Ini-release ang Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Kirghiz

Ini-release ang Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Kirghiz

Noong Nobyembre 9, 2024, ini-release ni Brother Jeffrey Winder, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Kirghiz. Ipinatalastas ito sa isang espesyal na programa na ginanap sa tanggapang pansangay ng Kyrgyzstan. Dinaluhan ito ng 147 katao, at 3,044 ang nakapakinig sa pamamagitan ng videoconference. Mada-download agad ang Bibliya at mga audio recording ng Ebanghelyo at ng ilang aklat sa Bibliya sa jw.org at sa JW Library app. Makukuha naman ang inimprentang edisyon sa taóng 2025.

Nagsimulang magsalin ang mga Saksi ni Jehova ng mga literatura sa Bibliya sa wikang Kirghiz mga 30 taon na ang nakakalipas. Sa ngayon, mga 5 milyong nagsasalita ng Kirghiz ang nakatira sa Kyrgyzstan, kasama na ang mahigit 2,800 kapatid na naglilingkod sa 43 kongregasyon at mga group sa bansa.