AGOSTO 25, 2025
JAPAN
Poste ng kuryente na bumagsak sa isang bahay nang gumuho ang lupa sa Misato, Kumamoto Prefecture, Japan
Matinding Pagbaha at Pagguho ng mga Lupa sa Timog ng Japan
Noong Agosto 8, 2025, bumuhos ang sunod-sunod na malalakas na ulan sa isla ng Kyushu sa timog ng Japan sa loob ng apat na araw. Sa isang lunsod, umabot sa mga 37 sentimetro ang bumuhos na ulan sa loob lang ng anim na oras. Bukod sa pagbaha, may mga lugar na nakaranas ng pagguho ng lupa na sumira sa mga bahay, kalsada, at sakahan. Dahil dito, pinalikas ng gobyerno ang ilang milyong residente sa isla. Hindi bababa sa walo katao ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, namatay ang isang 71-taóng-gulang na sister at ang asawa niya
1 mamamahayag ang nasaktan
22 mamamahayag ang inilikas
13 bahay ang nasira nang husto
87 bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng sakuna, at nagbigay din sila ng praktikal na tulong
Talagang nakakalungkot na may mga namatay sa sakunang ito. Pero nagtitiwala tayong patuloy na ‘bibigyan ni Jehova ng lakas at ng tulong para makapagtiis’ ang lahat ng nagiging biktima ng malalakas na bagyo.—Roma 15:5.

