Pumunta sa nilalaman

MARSO 28, 2019
INDONESIA

Pagbaha sa Indonesia

Pagbaha sa Indonesia

Noong Marso 16, 2019, inulan nang malakas ang probinsiya ng Papua, Indonesia, at nagdulot ito ng pagbaha. Dahil diyan, mahigit 100 katao ang namatay at ilang bahay ang nawasak.

Iniulat ng sangay sa Indonesia na maraming kapatid na nakatira sa bayan ng Sentani, na nasa probinsiya ng Papua, ang naapektuhan ng sakunang ito. Nakakalungkot, isang kapatid ang namatay nang tangayin ng baha ang bahay niya. Tatlong bahay ng mga pamilyang Saksi ang napinsala nang husto. Mahigit 40 kapatid ang inilikas, at karamihan sa kanila ay tumutuloy sa ibang mga kapatid. Isang Disaster Relief Committee ang binuo para mag-organisa ng relief work. Dinalaw ng mga kinatawan ng Sangay, kasama ang tagapangasiwa ng sirkito sa lugar na iyon, ang mga apektadong rehiyon para magbigay ng pampatibay. Sinusuri din nila kung gaano kalaking tulong ang kailangan ng mga kapatid.

Ipinapanalangin natin ang lahat ng kapatid na naapektuhan ng sakunang ito. Inaasam natin ang pagdating ng araw kung kailan ‘lalamunin na ni Jehova ang kamatayan magpakailanman’ at ‘papahirin niya ang mga luha sa lahat ng mukha.”—Isaias 25:8.