Tagalog
Ini-release ang mga Aklat ng Mateo at Marcos sa Indonesian Sign Language
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702022063/univ/art/702022063_univ_sqr_xl.jpg

HUNYO 6, 2022
INDONESIA

Ini-release ang mga Aklat ng Mateo at Marcos sa Indonesian Sign Language

Ini-release ang mga Aklat ng Mateo at Marcos sa Indonesian Sign Language

Noong Mayo 29, 2022, ini-release ni Brother Daniel Purnomo, miyembro ng Komite ng Sangay sa Indonesia, ang mga aklat ng Bibliya na Mateo at Marcos sa Indonesian Sign Language. Ini-release sa digital format ang mga aklat ng Bibliya sa isang nakarekord na programa na napanood ng 2,127 via streaming.

Ang Indonesian Sign Language remote translation office sa Jakarta

Nagkaroon ng unang sign-language congregation ang mga Saksi ni Jehova sa Indonesia noong Setyembre 14, 2007, sa lunsod ng Jambi, Sumatra. At noong 2011, isinalin ng mga Saksi ni Jehova ang tatlong publikasyon sa Indonesian Sign Language: Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?, Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Noong 2011 din naitatag sa bansa ang unang sirkito sa sign-language, na mga 3,000 kilometro ang sakop na teritoryo. Noong 2015, nagtayo ng isang remote translation office para makapag-translate ng mas maraming publikasyon sa Indonesian Sign Language. Sa ngayon, may 12 sign-language congregation, at 28 group at pregroup sa Indonesia.

Ang mga aklat ng Mateo at Marcos ang unang mga aklat ng Bibliya na naisalin sa Indonesian Sign Language. Noong pahayag sa release ng mga aklat ng Bibliya, sinabi ni Brother Purnomo: “Napakahusay ng pagkakasalin sa mga aklat na ito ng Bibliya. Madamdamin at puno ng emosyon ang mga pagsenyas, at tutulong ito sa inyo para mas ma-imagine ninyo ang mga tauhan sa Bibliya.”

Sinabi ng isa sa mga translator: “Makakatulong ang salin na ito para lalo ko pang makilala si Jesus, na para bang kausap ko lang siya.”

Dalangin natin na tutulong ang bagong salin na ito sa mga gumagamit ng Indonesian Sign Language para ang Salita ng Diyos ay patuloy na maging ‘lampara sa kanilang paa, at liwanag sa kanilang landas.’—Awit 119:105.