Tagalog
Mga Translation Team sa India, Nakahanap ng mga Paraan Para Patuloy na Makapagsalin sa Panahon ng Pandemic
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702020275/univ/art/702020275_univ_sqr_xl.jpg

HUNYO 18, 2020
INDIA

Mga Translation Team sa India, Nakahanap ng mga Paraan Para Patuloy na Makapagsalin sa Panahon ng Pandemic

Mga Translation Team sa India, Nakahanap ng mga Paraan Para Patuloy na Makapagsalin sa Panahon ng Pandemic

Dahil sa pandemic ng COVID-19, nagkaproblema ang 11 remote translation office (RTO) sa India, na nagsasalin ng ating mga publikasyon sa 36 na wika. Sa tulong ni Jehova, nasosolusyunan ito ng mga translation team at naipagpapatuloy ang gawain nila.

Ang mga translator ay dapat na gumawang magkakasama. Pero habang kumakalat ang COVID-19, mahigpit na ipinapatupad ng India ang lockdown, kaya imposibleng magtrabaho nang magkakasama ang mga translator. Hindi rin makapagrekord ng mga audio at video ang mga nasa RTO.

Sa mga RTO, ginagamit ng mga translator ang videoconferencing at remote recording. Dahil dito, natutulungan sila ng mga kapatid mula sa ibang bansa, gaya ng Bangladesh at United States.

Nakahanap rin ang mga kapatid ng kakaibang mga paraan para makagawa ng mga video sa sign language habang napapanatili ang physical distancing. Ginawang studio ng ilang translator ang kuwarto nila. Ginawa rin nilang tripod ang mga kahon at mga cellphone ang ginamit nila imbes na mamahaling kamera.

Bukod sa mga paraang ito, nagtitiwala ang mga translator sa mga RTO na tutulungan sila ni Jehova na manatiling payapa ang isip at maraming ginagawa sa panahong ito. Narito ang sinabi ng ilan sa kanila:

Sinabi ni Brother Jose Francis mula sa Kolkata, “Sa mahihirap na sitwasyon, nakikita ng mga tao ang problema, pero nakikita ni Jehova ang solusyon.”

Sinabi ni Sister Bindu Rani Chandan mula sa Bangalore, “Tuwang-tuwa ako kasi alam kong kahit may mga problema, ginagamit ako ni Jehova sa mapanganib na mga panahong ito.”

Ganito naman ang sinabi ni Sister Rubina Patel mula sa Vadodara, “Walang makakahadlang kay Jehova at sa organisasyon niya—kahit pa ang coronavirus.”

Nagpapasalamat tayo sa masisipag nating kapatid sa kanilang gawaing pagsasalin. Sigurado tayo na tinutulungan sila ng makapangyarihang banal na espiritu ni Jehova at titiyakin din nito na matutupad ang hula ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng lahat ng bansa.”—Mateo 24:14.