Tagalog
Available Na Ngayon ang Aklat ng Mateo sa Wikang Assamese
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023066/univ/art/702023066_univ_sqr_xl.jpg

Mga kapatid na hawak ang personal nilang mga kopya ng Ang Bibliya—Aklat ng Mateo

HUNYO 7, 2023
INDIA

Available Na Ngayon ang Aklat ng Mateo sa Wikang Assamese

Available Na Ngayon ang Aklat ng Mateo sa Wikang Assamese

Noong Mayo 28, 2023, ini-release sa wikang Assamese ang aklat na Ang Bibliya—Aklat ng Mateo sa isang espesyal na okasyon sa Duliajan, Assam, India. May 279 na dumalo sa programa, kasama ang 96 na nanood online. Pagkatapos i-release ang aklat ng Bibliya, tumanggap ng inimprentang kopya ang mga dumalo at naging available na rin ang digital format nito.

Ang wikang Assamese, o Axomiya, ang opisyal na wika ng Assam, na nasa hilagang-silangang India. Tinatawag ding Axomiya ang mga nakatira sa Assam. Kilalá sila sa kanilang tsaa at pagiging mapagpatuloy.

Ang unang kongregasyong nagsasalita ng Assamese ay naitatag noong 1987. Mula noon, patuloy na dumami ang mga mamamahayag. Ngayon, may walo nang kongregasyong nagsasalita ng Assamese, na may kabuoang bilang na 162 mamamahayag.

May dalawang karaniwang ginagamit na salin ng Bibliya sa wikang Assamese. Pero nahihirapan ang mga kapatid na basahin at unawain ang mga salin na ito dahil gumagamit ito ng mga salitang hindi na ginagamit. Pero madaling basahin ang bagong release na salin ng aklat ng Mateo.

Sigurado tayo na magiging mas malapít kay Jehova ang mga kapatid natin at ang iba pang interesado sa Salita ng Diyos at magsasaya sila habang binabasa nila ang aklat ng Mateo sa Assamese.​—Nehemias 8:12.