SETYEMBRE 18, 2023
HONG KONG
Binaha ang Hong Kong Dahil sa Malalakas na Pag-ulan
Mula Setyembre 7 hanggang 8, 2023, binaha ang Hong Kong dahil sa malalakas na ulan. Sa loob lang ng 24 na oras, bumuhos sa Hong Kong ang halos 60 sentimetro ng ulan—kasindami ng ulan na bumubuhos doon sa loob ng tatlong buwan. Dumagdag ito sa problemang hinaharap ng lokal na mga awtoridad at ng mga residente dahil sa Super Typhoon Saola, na tumama sa lugar na iyon noong nakaraang linggo lang. Nagkaroon ng mga flash flood at landslide dahil sa malalakas na pag-ulan, kaya nasira ang mga ari-arian at imprastraktura sa iba’t ibang bahagi ng Hong Kong. Maraming residente ang nasugatan at napilitang lumikas.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, 1 brother ang namatay sa pagbaha
1 bahay ang bahagyang napinsala
Walang Kingdom Hall na nasira
Relief Work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng baha
Nalulungkot tayo sa pagkamatay ng mahal nating brother, at inaabangan natin ang panahon kung kailan aalisin ng “Diyos na nagbibigay ng kaaliwan sa anumang sitwasyon” ang likas na mga sakuna at mga epekto nito.—2 Corinto 1:3.

