ENERO 13, 2025
HAITI
Isang binahang kalye sa lunsod ng Cap Haitien, Haiti
Binaha ang Hilaga ng Haiti Dahil sa Walang-Tigil na Pag-ulan
Simula noong Disyembre 2, 2024, dahil sa walang-tigil na ulan, nagkaroon ng matinding pagbaha at mga mudslide sa mga lugar sa hilaga ng Haiti. Sinira ng napakalakas na bagyo ang maraming bahay at negosyo. Libo-libo ang lumikas at nagpunta sa mas ligtas na lugar. Ipinapakita ng mga ulat na di-kukulangin sa 13 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, namatay ang isang 65-anyos na sister at ang 2 sa mga kamag-anak niya, pati ang kaniyang 3-taóng-gulang na apo
2 kapatid ang nasugatan
49 na kapatid ang nagsilikas
2 bahay ang nawasak
2 bahay ang nasira nang husto
75 bahay ang bahagyang nasira
Walang Kingdom Hall ang nawasak o nasira
Relief Work
Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng sakuna at nagbigay din sila ng praktikal na tulong
Isang Disaster Relief Committee ang inorganisa para sa relief work
Bagaman nalulungkot tayo sa pinsala at pagkamatay dahil sa mga bagyong ito sa Haiti, nakatitiyak tayo na maglalaan ng kaaliwan at lakas si Jehova, “ang Ama na magiliw,” sa panahon ng mga pagsubok na gaya nito.—2 Corinto 1:3, 4.

