OKTUBRE 23, 2023
GREECE
Binaha ang Sentro ng Greece Dahil sa Malalakas na Bagyo
Noong Setyembre 2023, bumuhos ang ulan sa sentro ng Greece dahil sa dalawang malalakas na bagyo. Ang una ay ang Bagyong Daniel, na nagdulot ng matinding pagbaha sa lugar na iyon mula Setyembre 4 hanggang 7, 2023.
Makalipas ang tatlong linggo, mula Setyembre 26 hanggang 28, 2023, sinundan ito ng Bagyong Elias, na nakadagdag sa baha sa lugar na iyon. Sa isang lunsod, mga 14 na sentimetro ang itinaas ng tubig sa loob ng wala pang apat na oras. Makikita sa mga ulat ang malaking pinsalang nagawa nito sa mga negosyo, bahay, at kalsada sa lugar na iyon. Mahigit 4,500 tao ang nagsilikas, at 17 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Walang namatay sa ating mga kapatid
1 sister na may-edad ang nasugatan
270 kapatid ang kinailangang lumikas
11 bahay ang nawasak
47 bahay ang napinsala nang husto
51 bahay ang bahagyang nasira
2 Kingdom Hall ang napinsala nang husto
6 na Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon ang mga naapektuhan ng sakuna
2 Disaster Relief Committee ang inatasang mangasiwa sa relief work
Ipinapanalangin natin ang mga naapektuhan ng baha sa Greece, at umaasa tayo na sa hinaharap, aalisin na ni Jehova, na “nakaupo . . . sa kaniyang trono sa ibabaw ng delubyo,” ang lahat ng likas na sakuna magpakailanman.—Awit 29:10.

