Mahahalagang Pangyayari sa Georgia
ENERO 17, 2017—Sa hatol ng ECHR sa kasong Tsartsidze, sinabi nito na hindi pinrotektahan ng hukuman at ng mga pulis sa Georgia ang mga Saksi laban sa mararahas na pag-atake sa kanila dahil sa relihiyon
DISYEMBRE 10, 2014—Nairehistro sa ilalim ng pampublikong batas ng Georgia ang Christian Congregation of Jehovah’s Witnesses, kaya gumanda ang reputasyon ng relihiyosong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova
OKTUBRE 7, 2014—Sa hatol ng ECHR sa kasong Begheluri, sinabi nito na hindi pinrotektahan ng mga pulis sa Georgia ang mga Saksi laban sa mararahas na pag-atake sa kanila dahil sa relihiyon
ABRIL 6, 2013—Pinalaki ng mga Saksi ang opisina nila sa Tbilisi
MAYO 3, 2007—Sa hatol ng European Court of Human Rights (ECHR) sa kasong Gldani, sinabi nito na hindi pinrotektahan ng mga pulis sa Georgia ang mga Saksi laban sa mararahas na pag-atake sa kanila dahil sa relihiyon
NOBYEMBRE 28, 2003—Muling inirehistro ang Branch of the Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania (USA) sa Georgia; nabawasan ang pag-uusig pagkatapos nito
PEBRERO 22, 2001—Pinawalang-bisa ng Supreme Court ng Georgia ang rehistro ng legal na mga korporasyon ng mga Saksi; mas tumindi ang pag-uusig
OKTUBRE 17, 1999—Nagsimula ang sistematikong pag-uusig sa mga Saksi nang salakayin sila ng mga mang-uumog sa Gldani, at nasundan pa ito sa iba pang mga lugar sa Georgia
ABRIL 27, 1999— Ang Georgia ang ika-41 sa mga bansang miyembro ng Council of Europe
HUNYO 11, 1998—Inirehistro ng mga Saksi ang isang legal na korporasyon, ang Branch of the Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania (USA) sa Georgia
ABRIL 17, 1998—Inirehistro ng mga Saksi ang isang legal na korporasyon, ang The Union of Jehovah’s Witnesses
1969—Inorganisa para sa pagsamba ang unang grupo ng mga Saksi ni Jehova
1953—Bumalik sa Georgia ang isang babaeng mamamayan ng Georgian Soviet Socialist Republic na naging Saksi ni Jehova sa isang Nazi concentration camp, at sinimulan niyang ibahagi sa iba ang mga paniniwala niya

