Tagalog
Bagong Sanlibutang Salin, Inilabas sa Tahitian
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702021036/univ/art/702021036_univ_sqr_xl.jpg

PEBRERO 1, 2021
FRENCH POLYNESIA

Bagong Sanlibutang Salin, Inilabas sa Tahitian

Bagong Sanlibutang Salin, Inilabas sa Tahitian

Noong Enero 30, 2021, inilabas sa electronic format ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Tahitian. Ang nakarekord na programa ay naka-stream sa lahat ng kongregasyon sa French Polynesia. Si Brother Luc Granger, miyembro ng Komite ng Sangay sa Tahiti, ang naglabas ng Bibliya.

Tahitian ang wika ng maraming taga-French Polynesia. Mahigit 1,100 kapatid na tagaroon ang makikinabang sa saling ito.

Dalawang translation team ang nagsalin nito sa loob ng walong taon. Sinabi ng isang tagapagsalin: “Mula pa noong mga 1900 ang Bibliya na karaniwang ginagamit sa teritoryo namin. Napakahirap maintindihan ng mga salita doon. Pero ang Bagong Sanlibutang Salin ay madaling maintindihan ng kahit sinong nagsasalita ng Tahitian, kahit ng mga bata. Malinaw ito, tumpak, at natural.”

Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil ipinapaalám niya ang kaniyang Salita hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa. Nasasabik tayong makita kung paano matutulungan ng saling ito ang mga tapat-puso.—Isaias 42:12.