Tagalog
Sinalanta ng Bagyong Harold ang mga Isla ng Vanuatu at Fiji
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702020222/univ/art/702020222_univ_sqr_xl.jpg

ABRIL 17, 2020
FIJI

Sinalanta ng Bagyong Harold ang mga Isla ng Vanuatu at Fiji

Sinalanta ng Bagyong Harold ang mga Isla ng Vanuatu at Fiji

Noong Abril 5, 2020, tinamaan ng Bagyong Harold, isang Category 5 na bagyo, ang mga hilagang isla ng Vanuatu, at malaki ang naging pinsala nito. Nagpatuloy ang bagyo sa timog-silangan ng bansa; sinalanta rin nito ang timog-kanlurang bahagi ng mga isla ng Fiji noong Abril 8. Ayon sa naunang mga ulat, walang kapatid na nasaktan o namatay.

Mga 280 mamamahayag ang nakatira sa Espiritu Santo, ang pinakamalaki at pinakahilagang isla ng Vanuatu. Maraming gusali at pananim ang nasira sa islang ito, pati na sa iba pang kalapit na isla. Sa Fiji, naapektuhan ng bagyo ang pag-aari ng mga 260 kapatid. Limitado ang kuryente, pati na ang suplay ng tubig at pagkain doon.

Inoorganisa ng sangay sa Fiji ang pamamahagi ng mga relief supply. Nagse-shepherding ang mga elder doon para patibayin ang mga kapatid. Masaya tayong malaman na tinutulungan sa pisikal at espirituwal na paraan ang mga kapatid natin na naapektuhan ng bagyong ito.​—Kawikaan 17:17.