Mahahalagang Pangyayari sa Eritrea
ABRIL 2014—Inaresto at ikinulong ng mga awtoridad ang mahigit 120 Saksi (lalaki, babae, at bata) dahil sa pagdalo sa relihiyosong mga pulong; pinalaya rin ang karamihan sa kanila
HULYO 8, 2008—Ni-raid ng mga awtoridad ang mga tirahan at pinagtatrabahuhan ng mga Saksi at inaresto ang 24 sa kanila
MAYO 2002—Ipinagbawal ng gobyerno ang lahat ng grupo ng relihiyon maliban sa apat na relihiyon
OKTUBRE 25, 1994—Sa isang Presidential Decree, inalisan ng pagiging mamamayan at ng mga karapatang sibil ang mga Saksi ni Jehova
SETYEMBRE 17, 1994—Inaresto ng mga awtoridad sina Paulos Eyassu, Isaac Mogos, at Negede Teklemariam kahit walang kaso
1994—Sinimulang arestuhin at ibilanggo ng mga awtoridad ang mga Saksi ni Jehova
ABRIL 27, 1993—Idineklara ng Eritrea ang kalayaan nito mula sa Ethiopia
1954—Nagsimulang magsama-sama para sa pagsamba ang isang maliit na grupo ng mga Saksi ni Jehova

