PEBRERO 1, 2021
ERITREA
Tatlo Pang Saksi ni Jehova na Nakabilanggo Dahil sa Kanilang Pananampalataya ang Pinalaya ng mga Awtoridad sa Eritrea
Noong Pebrero 1, 2021, pinalaya ng mga awtoridad sa Eritrea ang isang brother at dalawang sister. Nabilanggo sila nang mula apat na taon hanggang siyam na taon dahil sa kanilang pananampalataya. Patuloy nating ipinapanalangin ang 20 pang kapatid na nakabilanggo dahil sa katapatan nila kay Jehova.—2 Corinto 1:11.

