MARSO16, 2021
EQUATORIAL GUINEA
Nagdulot ng Malaking Pinsala ang Malalakas na Pagsabog sa Equatorial Guinea
Lokasyon
Mondong Nkuantoma sa lunsod ng Bata sa Equatorial Guinea
Sakuna
Noong Marso 7, 2021, nagkaroon ng sunod-sunod na pagsabog sa kampong militar sa pinakamalaking lunsod ng Equatorial Guinea. Nagdulot ito ng malaking pinsala
Epekto sa mga kapatid
12 kapatid ang nasugatan
42 kapatid ang lumikas
1 siyam-na-taóng-gulang na anak ng isang sister ang nasa kritikal na kondisyon
May mga kapatid na namatayan ng mga kamag-anak na di-Saksi
Pinsala sa ari-arian
23 bahay ang bahagyang nasira
6 na bahay ang malaki ang naging pinsala
6 na bahay ang nawasak
Relief work
Isang Disaster Relief Committee ang inatasan, at nakikipagtulungan sila sa mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder para makita kung gaano kalaki ang naging pinsala at kung paano matutulungan ang mga kapatid
Nakikipagtulungan din ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga elder para patibayin ang mga kapatid
Sinunod ang lahat ng safety protocol para sa COVID-19
Ipinapanalangin natin na patuloy sanang manganlong kay Jehova ang mga kapatid natin na naapektuhan ng pagsabog na ito.—Awit 46:1.

