HULYO 26, 2019
DENMARK
Copenhagen, Denmark—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Hulyo 19-21, 2019
Lokasyon: Brøndby Stadium at Brøndby Hallen, Copenhagen, Denmark
Wika ng Programa: Danish, Danish Sign Language, English, Icelandic, Norwegian Sign Language, Swedish Sign Language
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 26,409
Bilang ng Nabautismuhan: 141
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 7,000
Mga Sangay na Imbitado: Australasia, Brazil, Central America, Central Europe, Colombia, Dominican Republic, Finland, Georgia, India, Japan, Poland, United States
Karanasan: Sinabi ni Christian Tidemand Andersen, event coordinator para sa Brøndby Stadium: “Isa’t kalahating taon na ang nakakalipas mula nang simulan naming planuhin ang Internasyonal na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova, at maganda na ang komunikasyon ng dalawang organisasyon mula pa noon. Iginagalang ng dalawang organisasyon ang isa’t isa, at naiintindihan nila na mahirap planuhin ang ganito kalaking event, kaya ginawa ang pagpaplano sa praktikal na paraan. Bihirang makakita ng organisasyon na talagang organisado at pinag-iisipan ang bawat detalye. Sa mismong mga araw ng kombensiyon, kahanga-hangang makita ang lahat ng boluntaryo na tumulong at nagtrabaho mula umaga hanggang gabi, at masaya sila habang ginagawa nila iyon. Masarap maging bahagi ng napakagandang event na ito, at gusto naming pasalamatan ang pakikipagtulungan ng Convention Committee at ng lahat ng boluntaryo. Sana makabalik ulit kayo at ang mga bisita ninyo sa Brøndby Stadium.”
Mga Bethelite na nakasuot ng dilaw na lanyard habang kumakaway at sumasalubong sa mga delegado na magtu-tour sa Bethel
Sinalubong ng mga bata at ng mga magulang nila ang mga delegado para sa pulong sa paglilingkod
Dumating ang mga kapatid sa Brøndby Stadium para sa kombensiyon
Mga delegado mula sa iba’t ibang bansa na nagpapa-picture habang nakasuot ng pambansang kasuotan nila
Naluluha ang mga sister na nagsasalita ng Icelandic nang matanggap nila ang kopya nila ng Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Icelandic
Si Brother Stephen Lett, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa panghuling pahayag noong Biyernes
Mga kandidato sa bautismo na nakikinig sa pahayag habang nakaupo sa harapan ng stage
Ilan sa 141 kapatid na nabautismuhan
Kumakaway sa mga kapatid sa istadyum ang mga misyonero at iba pang nasa pantanging buong-panahong paglilingkod
Mga kapatid na gumanap sa isang dula tungkol sa kasaysayan ng gawain natin sa Denmark, Faroe Islands, Greenland, at Iceland

