MAYO 2, 2019
DEMOCRATIC REPUBLIC OF THE CONGO
Pagkalat ng Ebola sa Democratic Republic of the Congo
Sa gitna ng kaguluhang nangyayari sa Democratic Republic of the Congo, mayroon pang sakit na kumakalat dito mula noong Agosto 2018—ang Ebola. Mahigit 1,088 na sa North Kivu at Iturina ang tinamaan nito at namatay ang 665 sa kanila. Nakakalungkot, may mga kapatid ding nagkaroon ng sakit na ito. Iniulat ng sangay sa Congo (Kinshasa) na sa mga Saksi ni Jehova, may 10 adulto at 2 batang namatay dahil sa Ebola. May isa pang brother na nagkaroon ng sakit na ito pero gumaling naman.
Para maturuan ang mga kapatid kung paano makakaiwas sa Ebola, pinahintulutan ng Coordinators’ Committee na gumawa ang sangay sa Congo (Kinshasa) ng video at pahayag tungkol dito. Nagbigay ang video ng praktikal na mga mungkahi gaya ng paglalagay ng mga handwashing station, at sinunod ito ng lahat ng kongregasyon. Nakatulong ang mga mungkahing ito para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Dahil diyan, dalawang public health official ang sumulat sa sangay para magpasalamat sa magandang halimbawa at pakikipagtulungan ng mga Saksi ni Jehova para mapigilan ang pagkalat ng Ebola.—Mateo 5:16.
Sa maraming lunsod, ang mga kapatid ay naka-quarantine nang ilang linggo sa bahay nila. Hiniling din ng tanggapang pansangay sa 12 sirkito na huwag munang ituloy ang kanilang panrehiyong kombensiyon para maiwasan ang pagkalat ng Ebola. Para matiyak na tatanggap pa rin ng espirituwal na pagkain ang mga kapatid sa mga apektadong kongregasyon, isinaayos ng tanggapang pansangay na makapanood sila ng isang nakarekord na video ng kombensiyon sa kanilang mga Kingdom Hall.
Ipinapanalangin natin ang mga kapatid sa Democratic Republic of the Congo. Napapalakas tayo ng pag-asa natin na balang-araw, wala nang magkakasakit.—Isaias 33:24.