Tagalog
Matinding Pinsala ang Dala ng mga Pagbaha sa Kabisera ng Congo
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025081/univ/art/702025081_univ_sqr_xl.jpg

ABRIL 17, 2025
DEMOCRATIC REPUBLIC OF THE CONGO

Binaha ang ilang lugar sa Kinshasa, ang kabisera ng Democratic Republic of the Congo

Matinding Pinsala ang Dala ng mga Pagbaha sa Kabisera ng Congo

Matinding Pinsala ang Dala ng mga Pagbaha sa Kabisera ng Congo

Binahang kabahayan sa Kinshasa

Simula noong Abril 4, 2025, napinsala nang husto ang Kinshasa, ang kabisera ng Democratic Republic of the Congo, dahil sa malalakas na buhos ng ulan at pagbaha. Mga 17 milyon katao ang nakatira sa Kinshasa, at nasa tabi ito ng mga ilog ng Congo at Ndjili. Nang umapaw ang mga ilog, di-kukulangin sa 2.5 metro ang naging baha sa ilang lugar sa Kinshasa, kaya nakulong ang mga tao sa kanilang mga bahay at sasakyan. Nawasak ang daan-daang bahay, kalsada, at lugar ng negosyo. Nahirapan din ang marami na humanap ng malinis na tubig na maiinom. Di-kukulangin sa 70 tao ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, isang 65-anyos na brother at isang 40-anyos na inaaralan sa Bibliya ang namatay

  • 4 na mamamahayag ang nasaktan

  • 825 mamamahayag ang lumikas

  • 1 bahay ang nawasak

  • 4 na bahay ang nasira nang husto

  • 318 bahay ang bahagyang nasira

  • Walang Kingdom Hall na nawasak o nasira

Relief Work

  • Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng sakuna, at nagbigay din sila ng praktikal na tulong

  • Isang Disaster Relief Committee ang inorganisa para sa relief work

Dalangin natin na patibayin ni Jehova ang mga pamilya na namatayan ng mga mahal sa buhay habang hinihintay natin ang katuparan ng kaniyang pangako na papalitan ang likas na mga sakuna ng “lubos na kapayapaan.”—Awit 37:11.