Tagalog
Hinampas ng Napakalakas na Bagyo ang Cuba
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702019114/univ/art/702019114_univ_sqr_xl.jpg

PEBRERO 14, 2019
CUBA

Hinampas ng Napakalakas na Bagyo ang Cuba

Hinampas ng Napakalakas na Bagyo ang Cuba

Noong Enero 27, 2019, sinalanta ng napakalakas na bagyo ang Havana, na kabisera ng Cuba. Ito na ang pinakamalakas na bagyong tumama sa isla sa loob ng halos 80 taon. Ang hangin nito ay may bilis na 322 kilometro kada oras. Nagdulot ito ng pagbaha at pagkawasak ng mga gusali sa lawak na 11 kilometro. May 4 na namatay, at 195 ang nasugatan.

Walang kapatid ang nasaktan o namatay sa bagyong ito. Pero 26 na bahay ng kapatid ang nasira, at ang 3 rito ay pinagdarausan ng mga pulong ng kongregasyon. Tumutulong na ngayon ang organisasyon sa pagkumpuni ng kanilang mga bahay.

Pinapatibay ng mga naglalakbay na tagapangasiwa ang ating mga kapatid na nasalanta ng napakalakas na bagyo. Dalangin natin na bigyan ni Jehova ang ating mga kapatid ng kapayapaan habang bumabawi sa sakunang ito.—Bilang 6:26.