Tagalog
Hinagupit ng Bagyong Oscar ang Cuba
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702024257/univ/art/702024257_univ_sqr_xl.jpg

Winasak ng malakas na hangin ng Bagyong Oscar ang isa sa mga pinagpupulungan ng mga kapatid sa bayan ng Macambo, San Antonio del Sur, Cuba

NOBYEMBRE 6, 2024
CUBA

Hinagupit ng Bagyong Oscar ang Cuba

Hinagupit ng Bagyong Oscar ang Cuba

Noong Oktubre 20, 2024, nag-landfall ang Bagyong Oscar sa lunsod ng Baracoa, sa silangang probinsiya ng Cuba na Guantánamo. Ang Category 1 na bagyong ito ay may dalang hangin na 120 kilometro kada oras ang bilis kaya nawalan ng kuryente sa rehiyon. Dahil sa malakas na buhos ng ulan sa ilang bahagi ng silangang Cuba na umabot sa 38 sentimetro ang taas, binaha ang mga bahay at mga negosyo at nasira ang mga pananim. Nasira ang mahigit sa 2,000 bahay doon, at di-kukulangin sa pito katao ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, isang may-edad na sister ang namatay

  • 2 mamamahayag ang bahagyang nasaktan

  • 14 na mamamahayag ang inilikas

  • 13 bahay ang nawasak, at 2 dito ay pinagpupulungan ng mga kongregasyon

  • 22 bahay ang nasira nang husto

  • 5 bahay ang bahagyang nasira

Relief Work

  • Pinatibay ng mga kinatawan mula sa tanggapang pansangay, mga tagapangasiwa ng sirkito, at lokal na mga elder ang mga kapatid, at nagbigay din sila ng praktikal na tulong

  • 2 Disaster Relief Committee ang inatasan para organisahin ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna

Talagang nakakalungkot na dahil sa bagyong ito, may mga namatay at maraming nasira. Pero nagtitiwala tayo na palalakasin ng Ama natin sa langit, si Jehova, ang lahat ng nagtitiwala sa kaniya.—Awit 55:22.