Tagalog
Mga Pagbaha sa Western Canada Dahil sa Malalakas na Buhos ng Ulan
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702021404/univ/art/702021404_univ_sqr_xl.jpg

Ipinapakita ng mapa kung saan sa western Canada nagkaroon ng matinding pagbaha

NOBYEMBRE 26, 2021
CANADA

Mga Pagbaha sa Western Canada Dahil sa Malalakas na Buhos ng Ulan

Mga Pagbaha sa Western Canada Dahil sa Malalakas na Buhos ng Ulan

Mula Nobyembre 13 hanggang 15, 2021, nagkaroon ng malalakas na buhos ng ulan sa mga lugar ng British Columbia sa western Canada. Umulan nang husto sa 20 lugar; mahigit 250 milimetro ng ulan sa ilang lugar sa loob ng tatlong-araw na bagyo. Nagdulot ito ng mga pagbaha at mga pagguho ng lupa na humarang sa mga highway, kaya napilitan ang mga tao na lumikas, at na-stranded naman ang mga biyahero.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid ang nasugatan

  • 144 na kapatid ang kinailangang lumikas

  • Di-kukulangin sa 35 bahay ang nasira

Relief Work

  • Ang sangay sa Canada ay nag-atas ng isang Disaster Relief Committee (DRC)

  • Ang mga kapatid na lumikas ay pinatuloy ng kanilang mga kamag-anak at kapuwa Saksi sa kalapít na mga lunsod sa labas ng mga evacuation zone

  • Pinapatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at ng mga elder doon ang naapektuhang mga pamilya ng mga kapatid

  • Kapag sinabi ng mga awtoridad na ligtas gawin iyon, nakikipagtulungan ang DRC sa grupo ng Local Design/Construction para alamin kung ilang bahay at Kingdom Hall ang nasira, at ano ang kailangan para ayusin ang mga ito

  • Ang lahat ng pagtulong ay ginawa ayon sa mga safety protocol para sa COVID-19

Marami sa mga naapektuhang pamilyang Saksi ang pangalawang beses nang lumikas dahil apektado rin sila ng wildfire noong Agosto 2021, tatlong buwan pa lang ang nakakaraan. Habang nagiging karaniwan na ang ganitong mga pangyayari at likas na sakuna, nakatulong sa bayan ng Diyos ang pagsunod sa tagubilin na laging may nakahandang bag na may mga suplay at pagkain sakaling may emergency.

Maaaring magdusa ang ating mga kapatid dahil sa madalas na mga sakuna, pero nagtitiwala tayo sa kapangyarihan ni Jehova na magligtas.​—Habakuk 3:17, 18.