SETYEMBRE 7, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Sinalanta ng Bagyong Idalia ang Kanluran ng Cuba at Ilang Lugar sa Timog-Silangan ng United States
Noong Agosto 29, 2023, sinalanta ng malalakas na hangin at pag-ulan ng Bagyong Idalia ang lalawigan ng Pinar del Río sa kanluran ng Cuba. Lumakas pa ang bagyo at naging Category 3, na may bilis na mahigit 200 kilometro kada oras. Noong Agosto 30, 2023, tumama ang Bagyong Idalia sa Keaton Beach, sa Gulf Coast ng Florida, U.S.A. Nang maglaon, humina nang kaunti si Idalia, pero may dala pa rin itong malalakas na hangin, ulan, at baha. Maraming bahay ang nawalan ng kuryente sa Florida, Georgia, North Carolina, at South Carolina.
Epekto sa mga Kapatid
Cuba
Walang namatay sa ating mga kapatid
1 kapatid ang lumikas
1 bahay ang nawasak
12 bahay ang bahagyang nasira
United States
Walang namatay sa ating mga kapatid
1 mamamahayag ang bahagyang nasugatan
1,297 mamamahayag ang nagsilikas
4 na bahay ang nawasak
12 bahay ang napinsala nang husto
61 bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang napinsala nang husto
3 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Sa Cuba at United States, pinatibay ng mga elder at mga tagapangasiwa ng sirkito ang mga kapatid sa naapektuhang mga lugar at nagbigay sila ng praktikal na tulong
Nagtitiwala tayo na patuloy na tutulungan ni Jehova ang lahat ng naapektuhan ng Bagyong Idalia.—Isaias 63:9.

