Tagalog
Sinalanta ng Bagyong Ana ang Katimugan ng Africa
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702022122/univ/art/702022122_univ_sqr_xl.jpg

Dahil sa malakas na Bagyong Ana, bumaha at nawasak ang maraming bahay sa ilang bansa, kasama na ang Malawi at Mozambique

PEBRERO 9, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Sinalanta ng Bagyong Ana ang Katimugan ng Africa

Sinalanta ng Bagyong Ana ang Katimugan ng Africa

Mula Enero 24 hanggang 25, 2022, sinalanta ng pagbaha at malalakas na hanging dulot ng Bagyong Ana ang Malawi at Mozambique. Maraming tao ang namatay dahil sa bagyo, nasira ang mga daan, at nawasak ang mga bahay ng libo-libong tao kaya nagsilikas sila.

Epekto sa mga Kapatid

Malawi

  • Nakakalungkot, isang di-Saksing asawa ng isang brother, kasama na ang kanilang dalawang anak na edad 3 at 5, ang nalunod nang tumaob ang kanilang bangka

  • 1 sister, kasama na ang 7-taóng-gulang na anak na babae ng isang mag-asawang Saksi, ang nasaktan

  • Mga 1,000 Saksi ang nagsilikas

  • 2 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

  • Mga 100 bahay ang matinding napinsala

  • Di-bababa sa 100 bahay ang nawasak

Mozambique

  • Walang kapatid na namatay

  • 2 brother ang nasaktan

  • 381 kapatid ang nagsilikas

  • 3 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

  • 3 Kingdom Hall ang matinding napinsala

  • 3 Kingdom Hall ang nawasak

  • 51 bahay ang bahagyang nasira

  • 96 na bahay ang matinding napinsala

  • 79 na bahay ang nawasak

Relief Work

  • Bumuo ng mga Disaster Relief Committee (DRC) sa dalawang bansa

  • Naglalaan ang mga DRC ng pagkain, malinis na tubig na maiinom, at iba pang praktikal na tulong

  • Sinusunod ng lahat ng tumutulong ang mga safety protocol para sa COVID-19

Nagtitiwala tayo na papalakasin ni Jehova ang mga kapatid natin sa mahirap na panahong ito.​—Awit 46:1.