ABRIL 27, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Proyekto ng Punong-Tanggapan sa Ramapo
Paggawa sa Pasukán, Inaprobahan ng mga Opisyal; Plano sa Site, Nilalakad Pa
Noong Marso 8, 2022, tinanggap ng Construction Project Committee (CPC) para sa proyekto ng pagtatayo sa Ramapo ang permit mula sa Town of Tuxedo Planning Board. Dahil sa permit, puwede nang simulan ang paggawa at pag-ayos sa pasukán sa Ramapo. Patuloy ring inaasikaso ng mga kapatid ang approval mula sa Town of Ramapo Planning Board a para masimulan ang proyekto.
Sinabi ni Brother Robert McRedmond, coordinator ng CPC: “Nang masimulan ang proyekto, nakita namin na dapat baguhin ang daan papunta sa property. Dahil sa nakuhang approval, puwede na tayong umupa ng mga contractor para baguhin at palakihin ang intersection ng daang papasók sa complex at ng lokal na daan para sa ligtas na biyahe. Ginagawa na ito ng mga contractor at inaasahang matatapos ito sa pagtatapos nitong tag-araw. Tinatapos na rin ng mga construction volunteer ang pagsasauli ng makasaysayang tulay na bato sa kahabaan ng daang ito.”
Ang bahagyang naisauling tulay na bato, na wala pang isang milya ang layo mula sa pasukán ng construction site
Sinabi ni Brother Gary Stradowski, na nagtatrabaho din sa CPC: “Excited kami na matanggap ang permit na ito. Malapit na naming matanggap ang official site plan approval para sa iba pang bahagi ng proyekto. Kapag naibigay na ang permit na ito, sisimulan na ng mga contractor ang clearing at paghahanda sa site, malamang sa pagtatapos ng 2022. Kapag nangyari iyon, makakapagtrabaho na ang mga volunteer sa site sa kalagitnaan ng 2023.”
Masaya kaming malaman ang tungkol sa update na ito at dalangin namin na patuloy na patnubayan ni Jehova ang proyektong ito.—Zacarias 4:6.
a Sakop ng property sa Ramapo kapuwa ang Orange at Rockland county, New York, U.S.A. Kaya naman, kailangang makuha ng CPC ang approval ng Town of Tuxedo Planning Board at ng Town of Ramapo Planning Board.

