Tagalog
Niyanig ng Malakas na Lindol ang Myanmar at Thailand
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025073/univ/art/702025073_univ_sqr_xl.jpg

MARSO 31, 2025
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Mga gumuhong gusali sa Myanmar (kaliwa) at Thailand (kanan) dahil sa lindol noong Marso 28, 2025

Niyanig ng Malakas na Lindol ang Myanmar at Thailand

Niyanig ng Malakas na Lindol ang Myanmar at Thailand

Noong Marso 28, 2025, niyanig ng lindol na may magnitude na 7.7 ang gitnang bahagi ng Myanmar. Dahil sa lindol at sa malalakas na aftershock, maraming nawasak na tulay, gusali, at kalsada sa lunsod ng Mandalay at sa palibot nito. Ayon sa ulat, mahigit 3,400 ang nasaktan, mahigit 1,700 ang namatay, at mga 300 pa ang nawawala.

Sa Bangkok, Thailand, naman na mahigit 1,300 kilometro ang layo, gumuho ang isang mataas na gusali dahil sa lindol ding iyon. Umabot sa 18 ang kumpirmadong patay, 33 ang nasaktan, at mahigit 75 pa ang nawawala.

Ang sumusunod na impormasyon ay batay sa unang mga report ng mga kapatid doon.

Epekto sa mga Kapatid

Myanmar

  • Walang kapatid na namatay

  • 2 mamamahayag ang nawawala

  • 9 na mamamahayag ang nasaktan

  • 142 mamamahayag ang inilikas

  • 4 na bahay ang nawasak

  • 32 bahay ang nasira nang husto

  • 43 bahay ang bahagyang nasira

  • 2 Kingdom Hall ang nasira nang husto

  • 3 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Thailand

  • Walang kapatid na namatay

  • 2 mamamahayag ang nasaktan

  • 52 mamamahayag ang inilikas

  • 4 na bahay ang nasira nang husto

  • 69 na bahay ang bahagyang nasira

  • 8 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief Work

  • Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng sakuna at nagbigay din sila ng praktikal na tulong

  • 1 Disaster Relief Committee ang inorganisa sa Myanmar para sa relief work

Nalulungkot tayo sa dami ng namatay at napinsala dahil sa lindol na ito. Pero nagtitiwala tayo sa pangako ng Diyos na sa hinaharap, “wala nang maririnig . . . na pag-iyak o paghiyaw dahil sa pagdurusa.”—Isaias 65:19.