Tagalog
Nagsimula Na Ulit ang In-Person na mga Pansirkitong Asamblea at Teokratikong Paaralan
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023091/univ/art/702023091_univ_sqr_xl.jpg

Itaas sa kaliwa: Mga estudyante sa Japan na nag-aaral sa School for Circuit Overseers and Their Wives. Ibaba sa kaliwa: Isang pansirkitong asamblea sa Panama. Kanan: Mga sister na nagyakapan sa isang pansirkitong asamblea sa United States

PEBRERO 28, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Nagsimula Na Ulit ang In-Person na mga Pansirkitong Asamblea at Teokratikong Paaralan

Nagsimula Na Ulit ang In-Person na mga Pansirkitong Asamblea at Teokratikong Paaralan

Nagsimula na ulit ang in-person na mga pansirkitong asamblea sa buong mundo noong Enero 2023 matapos mahinto ang mga ito nang halos tatlong taon. Kasabay nito, nagsimula na rin ulit ang in-person na mga teokratikong paaralan sa maraming bansa. Kitang-kita na pinagpapala ni Jehova ang mga ito.

Sa Villahermosa, Tabasco State, Mexico, mga 200 kapatid ang naglinis ng Assembly Hall bago ang pansirkitong asamblea. Anim na oras pa ngang bumiyahe ang iba para makarating doon. Sinabi ng isang sister: “Matagal-tagal din bago namin nakita ang mga kapatid na nagsama-sama. Gusto naming nandoon kami para tumulong.”

Sa isang pansirkitong asamblea sa Crownsville, Maryland, U.S.A., sinabi ng isang sister: “Masayang-masaya ako. Kakarating ko pa lang, naiiyak na ako. Hindi pa nag-uumpisa ang programa, ubos na ang tissue ko. Hindi ko ipagpapalit ang asambleang ito sa kahit anong bagay.”

Mga kapatid na dumating para sa isang pansirkitong asamblea sa Caguas, Puerto Rico

Masaya ang mga estudyante sa maraming teritoryo ng sangay na dumalo sa in-person na mga klase ng School for Kingdom Evangelizers at School for Circuit Overseers and Their Wives. Sinabi ni Brother Giovanny Cabezas, isang instructor sa school facility sa Palm Coast, Florida, U.S.A.: “Napakasaya ko nang marinig ko na muling magsisimula ang in-person na teokratikong edukasyon. Magandang lugar ito para sa mga instructor, estudyante, at boluntaryo na nakapokus sa paggawa ng kalooban ni Jehova.”

Nag-aral si Sister Satoko Nakata sa School for Circuit Overseers and Their Wives kasama ng kaniyang asawa noong Enero 2023. Sinabi niya: “Malaking tulong ang Zoom sa mga pulong at pioneer school nitong pandemic. Pero mahirap makipag-usap doon, tumawa, o kumanta kasama ang iba. Talagang napakagandang regalo mula kay Jehova ang pag-aaral na ito nang in-person. Nagkakausap kaming magkakaklase, nagtatawanan, kung minsan nag-iiyakan, at masayang nagkakantahan. Nagpapasalamat ako kay Jehova at sa Lupong Tagapamahala.”

Mga estudyante sa Kenya na nag-aaral sa School for Kingdom Evangelizers

Siguradong masaya si Jehova na makitang sama-samang sumasamba ang bayan niya at nagpapaturo sa kaniya. Nararamdaman din natin ang sinabi ni Haring David: “Pasasalamatan kita sa malaking kongregasyon; pupurihin kita sa gitna ng maraming tao.”—Awit 35:18.