Tagalog
Naaprobahan Nang Simulan ang Konstruksiyon sa Ramapo
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702024253/univ/art/702024253_univ_sqr_xl.jpg

Ang pag-aalis ng mga puno ay isa lang sa maraming kailangang gawin para masimulan ang konstruksiyon sa Ramapo

NOBYEMBRE 8, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Proyekto ng Headquarters sa Ramapo

Naaprobahan Nang Simulan ang Konstruksiyon sa Ramapo

Naaprobahan Nang Simulan ang Konstruksiyon sa Ramapo

Noong Nobyembre 6, 2024, binigyan na tayo ng permit ng Planning Board ng Ramapo para simulan ang konstruksiyon sa Ramapo.

Model ng magiging hitsura ng mga opisina sa Ramapo

Noong Hunyo 2023, inaprobahan na nito ang ilang planong may kaugnayan sa itatayong mga gusali sa Ramapo. Bago niyan, may iba pa tayong nakuhang permit, gaya ng pag-aalis ng mga puno sa Ramapo. Pero sa pinakabagong permit na nakuha natin, puwede nang umpisahan ang pagtatayo ng main entrance at pag-aalis ng bato para sa pundasyon ng mga gusali. Puwede na ring simulan ang iba pang mahahalagang gawain, gaya ng paglalagay ng mga linya ng tubig sa ilalim ng lupa.

Sinabi ni Brother Kevin Page, na naglilingkod sa Construction Project Committee: “Tuwang-tuwa kami na matanggap ang approval na ito! Sa bawat hakbang, nakita namin kung paano pinagpala ni Jehova ang pagtitiis at pagsisikap namin. Pinasasalamatan namin siya dahil sa napakahalagang permit na ito at dalangin namin na tulungan niya kami sa bahaging ito ng proyekto.”

Bilang isang pambuong-daigdig na kapatiran, tuwang-tuwa tayo na puwede nang umpisahan ang konstruksiyon sa Ramapo at dalangin natin ang pagpapala ni Jehova sa proyekto at sa lahat ng sumusuporta dito!—Hagai 1:14.