Tagalog
Mga Aklat sa Bibliya, Inilabas sa Tatlong Wika Noong Setyembre 2025
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025114/univ/art/702025114_univ_sqr_xl.jpg

OKTUBRE 13, 2025
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Mga Aklat sa Bibliya, Inilabas sa Tatlong Wika Noong Setyembre 2025

Mga Aklat sa Bibliya, Inilabas sa Tatlong Wika Noong Setyembre 2025

Zambian Sign Language

Noong Setyembre 12, 2025, ini-release ni Brother Owen Thom, miyembro ng Komite ng Sangay sa Zambia, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Zambian Sign Language. Inilabas ito noong unang araw ng 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Lusaka Kamloops Assembly Hall. May 528 dumalo. Puwede na agad itong ma-download sa jw.org at JW Library Sign Language app.

Nasa 50,000 ang gumagamit ng Zambian Sign Language. Sa ngayon, may 778 kapatid na naglilingkod sa 16 na kongregasyon at 12 group ng sign language sa Zambia.

Pohnpeian

Noong Setyembre 26, 2025, ini-release ni Brother Atsushi Ishibashi, miyembro ng Komite ng Sangay sa Micronesia, ang buong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Pohnpeian. Inilabas ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Kolonia, Pohnpei, Micronesia. Lahat ng 62 dumalo ay nakatanggap ng inimprentang kopya ng Bagong Sanlibutang Salin. Puwede na agad itong ma-download sa jw.org at JW Library app.

Sa buong mundo, tinatayang 45,000 ang nagsasalita ng Pohnpeian, at karamihan sa kanila ay nakatira sa Micronesia. Kasama rito ang 59 na kapatid na naglilingkod sa nag-iisang kongregasyon na gumagamit ng Pohnpeian. Napakasaya nilang magkaroon ng kumpletong salin ng Bibliya na magagamit nila sa personal na pag-aaral, pampamilyang pagsamba, pulong, at pangangaral.

Toupouri

Noong Setyembre 28, 2025, inilabas ni Brother Elie Ouatchome, miyembro ng Komite ng Sangay sa Cameroon, ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa wikang Toupouri. Inilabas ito sa isang espesyal na programa sa Maroua Lougueo, Cameroon, na dinaluhan ng 150. Puwede na agad ma-download ang aklat na ito ng Mateo sa jw.org at JW Library app. Ilalabas ang inimprentang edisyon sa 2026.

Nasa 330,000 ang nagsasalita ng Toupouri sa Cameroon at Chad. May Bibliya na noon sa wikang Toupouri, pero inalis dito ang pangalan ng Awtor nito, si Jehova. Masayang-masaya ang 188 kapatid na naglilingkod sa pitong kongregasyon at isang group na gumagamit ng Toupouri sa Cameroon dahil ibinalik sa saling ito ng aklat ng Mateo ang pangalan ng Diyos.