AGOSTO 13, 2025
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Mga Aklat ng Bibliya na Ini-release sa 14 na Wika Noong Hulyo 2025
Lari
Noong Hulyo 4, 2025, ini-release ni Brother Delphin Kavusa, miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa), ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo at ang mga aklat ng Bibliya na Marcos, Lucas, Juan, Gawa, Roma, 1 Corinto, Galacia, at Filipos sa wikang Lari. Ini-release ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Brazzaville, Republic of the Congo, at 1,022 ang dumalo. Bawat dumalo ay nakatanggap ng nakaimprentang kopya ng Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo. Ang lahat ng siyam na aklat ng Bibliya ay agad na naging available sa jw.org at JW Library app.
Tinatayang 1.5 milyon katao ang nagsasalita ng Lari sa Republic of the Congo. Nagsimulang magsalin ang mga Saksi ni Jehova ng mga publikasyong salig sa Bibliya sa wikang ito noong 1996. Sa ngayon, halos 500 kapatid ang naglilingkod sa pitong kongregasyon na gumagamit ng wikang Lari sa buong bansa.
Valencian
Noong Hulyo 4, 2025, ini-release ni Brother José García, miyembro ng Komite ng Sangay sa Spain, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Valencian. Ini-release ito noong unang araw ng 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Benidorm Assembly Hall sa lunsod ng Alicante. Umabot sa 702 ang dumalo sa mismong venue, at hindi bababa sa 250 ang nakapanood nito sa pamamagitan ng videoconference. Ipinamahagi ang mga nakaimprentang kopya ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa mga dumalo. Naging available din agad ang digital format nito sa jw.org at JW Library app.
Mga 2.5 milyon katao ang nagsasalita ng Valencian sa buong Spain, kabilang na ang 760 kapatid na naglilingkod sa 15 kongregasyon na gumagamit ng wikang Valencian.
Cinamwanga
Noong Hulyo 11, 2025, ini-release ni Brother Kena Kunda, miyembro ng Komite ng Sangay sa Zambia, ang Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo, pati na rin ang mga aklat ng Bibliya na Marcos, Lucas, at Juan, sa wikang Cinamwanga. Ini-release ang mga ito sa unang araw ng 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Isoka, Zambi, at 1,134 katao ang dumalo sa mismong venue. Nagpamahagi sa lahat ng dumalo ng nakaimprentang kopya ng Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo. Naging available din agad ang audio at digital format ng apat na aklat na ito ng Bibliya sa jw.org at JW Library app.
Mga 140,000 tao sa Zambia ang nagsasalita ng Cinamwanga. Sa ngayon, halos 3,000 kapatid ang naglilingkod sa 52 kongregasyong nagsasalita ng Cinamwanga sa buong bansa.
Galician
Noong Hulyo 11, 2025, ini-release ni Brother Andrew Weaver, miyembro ng Komite ng Sangay sa Spain, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Galician. Ini-release ito sa unang araw ng 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa lunsod ng Santiago de Compostela, at 878 ang dumalo. Ang mga dumalo ay nakatanggap ng nakaimprentang kopya ng release. Naging available din ito agad sa jw.org at sa JW Library app.
Tinatayang 3.4 milyon katao sa buong mundo ang nagsasalita ng Galician. Sa Spain, mahigit 1,000 kapatid sa 17 kongregasyong gumagamit ng wikang Galician ang masigasig na naghahayag ng mabuting balita sa iba.
Kokola
Noong Hulyo 11, 2025, ini-release ni Brother Marcelo Santos, miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, ang Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo, pati na rin ang mga aklat ng Bibliya na Marcos, Lucas, at Juan, sa wikang Kokola. Ini-release ang mga ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Liciro Assembly Hall sa distrito ng Milange. Lahat ng 1,445 na dumalo ay nakatanggap ng nakaimprentang kopya ng Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo. Naging available din agad ang mga ito sa jw.org at JW Library app.
Ito ang pinakaunang mga aklat ng Bibliya na naisalin sa wikang Kokola. Masayang-masaya ang halos 2,300 kapatid na nagsasalita ng Kokola sa Mozambique dahil mayroon na sila ng apat na Ebanghelyo sa sarili nilang wika.
Macua
Noong Hulyo 11, 2025, ini-release ni Brother Castro Salvado, miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, ang buong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Macua. Umabot sa 2,005 ang dumalo sa mismong venue nang i-release ito sa unang araw ng 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Nampula, at 2,670 naman ang nakapanood sa programa sa pamamagitan ng videoconference sa tatlo pang lugar ng kombensiyon sa Mozambique. Ang mga dumalo sa lahat ng apat na kombensiyon ay tumanggap ng nakaimprentang kopya ng Bagong Sanlibutang Salin. Naging available din agad ang release na ito sa audio at digital format sa jw.org at JW Library app.
Tinatayang anim na milyon ang nagsasalita ng Macua, kaya itinuturing itong isa sa pinakapangunahing wika sa mga hilagang lalawigan ng Mozambique. Sabik na sabik na ang halos 2,600 kapatid sa 60 kongregasyong gumagamit ng wikang Macua na gamitin ang buong Bagong Sanlibutang Salin sa ministeryo, personal na pag-aaral, at mga pulong ng kongregasyon.
Romany (Eastern Slovakia)
Noong Hulyo 11, 2025, ini-release ni Brother Roman Roch, miyembro ng Komite ng Sangay sa Czech-Slovak, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Romany (Eastern Slovakia). Ini-release ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Kosice, Slovakia. Umabot sa 6,779 ang dumalo sa mismong venue, at 1,124 ang nakapanood ng programa sa pamamagitan ng videoconference. Naging available ito agad sa jw.org at JW Library app. Inaasahang magkakaroon ng nakaimprentang edisyon nito bago matapos ang 2025.
Mga 200,000 ang nagsasalita ng Romany (Eastern Slovakia) sa buong mundo, kabilang na ang mahigit 1,000 sa ating mga kapatid. Bukod sa 10 kongregasyon at isang group sa ilalim ng sangay ng Czech-Slovak, ginagamit din ang wikang Romany (Eastern Slovakia) sa ilang kongregasyon at group sa Germany at United Kingdom.
Lendu
Noong Hulyo 18, 2025, ini-release ni Brother Patrik Weiss, miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa), ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo at ang mga aklat ng Bibliya na Marcos, Lucas, Juan, Roma, at Filipos sa wikang Lendu. Ini-release ang mga ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa ITU Bunia Lumumba Yambi-Yaya Assembly Hall sa Democratic Republic of the Congo, at 477 ang dumalo. Nakatanggap ang mga dumalo ng nakaimprentang kopya ng Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo. Naging available din agad ang lahat ng release na ito sa jw.org at JW Library app.
Tinatayang isang milyon katao ang nagsasalita ng Lendu sa Democratic Republic of the Congo at sa ilang bahagi ng Uganda. Sa ngayon, mahigit 560 kapatid ang nasa 11 kongregasyong gumagamit ng wikang Lendu sa buong Democratic Republic of the Congo at Uganda.
Nsenga (Zambia)
Noong Hulyo 18, 2025, ini-release ni Brother John Musuba, miyembro ng Komite ng Sangay sa Zambia, ang Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa wikang Nsenga (Zambia). Ini-release ito sa unang araw ng 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Petauke, Zambia, at 2,165 ang dumalo. Nakatanggap sila ng nakaimprentang kopya ng Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo. Naging available din ito agad sa jw.org at JW Library app.
Mahigit 405,000 ang nagsasalita ng Nsenga (Zambia). Sa ngayon, halos 11,000 kapatid ang naglilingkod sa 145 kongregasyon na gumagamit ng wikang Nsenga (Zambia) sa buong Zambia.
Basque
Noong Hulyo 25, 2025, ini-release ni Brother Óscar Martínez, miyembro ng Komite ng Sangay sa Spain, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Basque. Ini-release ito sa unang araw ng 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa lunsod ng Donostia-San Sebastián. Ang dumalo sa mismong venue ay 302, at 49 naman ang nakapanood sa programa sa pamamagitan ng videoconference. Tumanggap ang mga dumalo ng nakaimprentang kopya ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Naging available din ito agad sa jw.org at JW Library app.
Sa ngayon, tinatayang isang milyong tao sa Spain ang nagsasalita ng Basque. Sa kasalukuyan, 250 kapatid ang naglilingkod sa limang kongregasyon sa rehiyong gumagamit ng Basque.
Mam
Noong Hulyo 25, 2025, ini-release ni Brother Armando Ochoa, miyembro ng Komite ng Sangay sa Central America, ang Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo, pati na ang mga aklat ng Bibliya na Marcos, Lucas, Filemon, at Judas, sa wikang Mam. Ini-release ang mga ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Quetzaltenango, Guatemala. Umabot sa 513 ang dumalo sa mismong venue, at 80 ang nakapanood nito sa pamamagitan ng videoconference. Ang mga dumalo ay tumanggap ng nakaimprentang kopya ng Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo. Naging available din agad sa audio at digital format ang lahat ng limang aklat na ito ng Bibliya sa jw.org at JW Library app.
Tinatayang mahigit sa 840,000 katao na nakatira sa Guatemala, Mexico, at United States ang nagsasalita ng Mam. Sa ngayon, hindi bababa sa 500 sa ating mga kapatid ang naglilingkod sa 18 kongregasyon at isang group sa ilalim ng sangay sa Central America na gumagamit ng wikang Mam.
Manyawa
Noong Hulyo 25, 2025, ini-release ni Brother Wayne Wridgway, miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Manyawa sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa lunsod ng Mocuba. Umabot sa 781 ang dumalo sa mismong venue, at 763 ang nakapanood ng programa sa pamamagitan ng videoconference. Nagpamahagi ng mga nakaimprentang kopya ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa mga dumalo. Naging available din agad ang digital format nito sa jw.org at JW Library app.
Ito ang pinakaunang salin sa Manyawa ng buong Griegong Kasulatan. Tinatayang 219,000 katao ang nagsasalita ng wikang ito. Kabilang sa kanila ang mahigit 500 sa ating mga kapatid na naglilingkod sa 13 kongregasyon na gumagamit ng wikang Manyawa sa Mozambique.
Taabwa
Noong Hulyo 25, 2025, ini-release ni Brother Russel Ngoy, miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa), ang Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo, pati na ang mga aklat ng Bibliya na Marcos, Roma, 1 at 2 Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colosas, at 1 at 2 Tesalonica, sa wikang Taabwa. Ini-release ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Kasenga Assembly Hall sa Moba, sa Democratic Republic of the Congo, at 3,958 ang dumalo. Nagpamahagi ng nakaimprentang kopya ng Bibliya―Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa lahat ng dumalo. Naging available din agad ang audio at digital format ng lahat ng release sa jw.org at JW Library app.
Mahigit sa 1.3 milyong nagsasalita ng Taabwa ang nakatira sa Democratic Republic of the Congo. Sa ngayon, mahigit sa 1,700 kapatid ang naglilingkod sa 35 kongregasyon na gumagamit ng wikang Taabwa sa buong bansa.
Uruund
Noong Hulyo 25, 2025, ini-release ni Brother Marcos Rozas, miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa), ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan at ang aklat ng Bibliya na Awit ni Solomon sa wikang Uruund. Ini-release ang mga ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa lunsod ng Musumba, sa Democratic Republic of the Congo. Umabot sa 1,769 ang dumalo sa programa. Nagpamahagi ng mga kopya ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa mga dumalo. Naging available din agad ang audio at digital format ng mga release sa jw.org at sa JW Library app.
Tinatayang 153,000 katao na nagsasalita ng Uruund ang nakatira sa Lalawigan ng Lualaba sa Democratic Republic of the Congo. Kabilang sa kanila ang 627 sa ating mga kapatid na naglilingkod ngayon sa 16 na kongregasyon at group na gumagamit ng wikang Uruund.

