ABRIL 3, 2020
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Makasaysayang Pag-alaala sa Kamatayan ni Kristo
Maraming Kongregasyon ang Magtitipon Gamit ang mga Videoconference Tool Dahil sa Coronavirus
Milyon-milyong Saksi at mga interesado ang magtitipon sa Martes, Abril 7, 2020, para sa pinakamahalagang okasyon ng taon, ang Memoryal ng kamatayan ni Jesus. Pero ngayong taon, naiiba ang pag-alaala natin dahil sa COVID-19. Marami sa buong mundo ang magtitipon gamit ang mga videoconference tool.
Dahil sa coronavirus, ipinagbawal ng mga awtoridad sa maraming bansa ang malalaking pagtitipon. Kaya maraming kongregasyon sa buong mundo ang nagbi-videoconference para makapagpulong linggo-linggo. Ito rin ang gagamitin ng mga kongregasyon para sa kanilang Memoryal. Para sa iba pa, isang nakarekord na programa ang mapapanood sa jw.org.
Noong nakaraang taon, mahigit 20 milyon ang dumalo sa Memoryal. Inaasahang milyon-milyon din ang dadalo sa Memoryal sa pamamagitan ng videoconference, telephone hookup, o ng video sa jw.org.
Sa maraming bansa, patuloy pa rin ang pagkalat ng sakit na ito. Para maingatan ang kalusugan ng mga kapatid, kailangan nating sundin ang tagubilin ng mga awtoridad hanggang sa bumuti na ang kalagayan. Pero dahil nagtitiwala tayo kay Jehova, determinado tayong sundin ang utos ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.

