Tagalog
Ini-release ang mga Aklat sa Bibliya sa Apat na Wika Noong Hunyo 2025
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025078/univ/art/702025078_univ_sqr_xl.jpg

Hulyo 11, 2025
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Ini-release ang mga Aklat sa Bibliya sa Apat na Wika Noong Hunyo 2025

Ini-release ang mga Aklat sa Bibliya sa Apat na Wika Noong Hunyo 2025

Angolan Sign Language

Noong Hunyo 13, 2025, ini-release ni Brother Taylor Bornschein, miyembro ng Komite ng Sangay sa Angola, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Angolan Sign Language. Ipinatalastas ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa Luanda, Angola, na dinaluhan ng 1,540. Agad na naging available ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa jw.org at sa JW Library at JW Library Sign Language app.

Ito ang unang kumpletong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Angolan Sign Language. Nagsimulang gumawa ang mga Saksi ni Jehova ng salig-Bibliyang mga publikasyon sa Angolan Sign Language noong 2013. Sa ngayon, sa buong Angola, halos 1,100 kapatid ang naglilingkod sa 37 kongregasyon ng sign language at 11 group.

Venezuelan Sign Language

Noong Hunyo 14, 2025, ini-release ni Brother Edgardo López, miyembro ng Komite ng Sangay sa Venezuela, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Venezuelan Sign Language. Ipinatalastas ito sa 309 na dumalo sa isang espesyal na miting na ginanap sa tanggapang pansangay ng Venezuela sa La Victoria. May karagdagang 1,215 na kumonekta sa programa sa pamamagitan ng videoconference. May 918 pa na nanood ng recording ng programa nang weekend ding iyon. Mada-download agad sa jw.org at sa JW Library at JW Library Sign Language app ang ini-release.

Sa ngayon, mahigit 100,000 ang gumagamit ng Venezuelan Sign Language. Sa kasalukuyan, sa buong bansa, may mahigit 1,300 kapatid ang naglilingkod sa 33 kongregasyon ng sign language at sa 34 na group.

Kituba

Noong Hunyo 20, 2025, ini-release ni Brother Mbete François, miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa), ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan at ang mga aklat ng Bibliya na Genesis at Exodo sa wikang Kituba. Ipinatalastas ito sa 2025 “Dalisay na Pagsamba” na Panrehiyong Kombensiyon sa isang Assembly Hall sa Pointe-Noire, Republic of the Congo. Ang mga dumalo ay may bilang na 1,276. Agad na naging available ang mga digital na edisyon ng mga ini-release para ma-download sa jw.org at sa JW Library app. Bukod dito, isang limitadong bilang ng nakaimprentang kopya ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang ipinamahagi sa mga dumalo sa kombensiyon. Susunod na makakatanggap ng mga kopya ng nakaimprentang edisyon ang mga kongregasyon.

Mahigit 12 milyon na nagsasalita ng Kituba ang nakatira sa Angola, Gabon, at Republic of the Congo. Kabilang sa kanila ang mahigit sa 2,500 kapatid na naglilingkod sa 35 kongregasyon na gumagamit ng wikang Kituba.

Colombian Sign Language

Noong Hunyo 21, 2025, ini-release ni Brother Andrés Mejía, miyembro ng Komite ng Sangay sa Colombia, ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Colombian Sign Language. Ipinatalastas ito sa isang espesyal na programa na ginanap sa Assembly Hall sa lunsod ng Cota, Colombia. Ang dumalo sa mismong venue ay 1,980. Daan-daang iba pa ang nakapanood ng programa sa pamamagitan ng videoconference mula sa 47 lokasyon sa buong bansa. Mada-download agad ang Bagong Sanlibutang Salin sa jw.org at sa JW Library at JW Library Sign Language app.

Ito ang unang kumpletong salin ng Bibliya sa Colombian Sign Language. Tinatayang mahigit 500,000 sa ngayon ang gumagamit ng Colombian Sign Language. Sa loob ng mahigit 25 taon, ang mga Saksi ni Jehova ay gumagawa ng salig-Bibliyang mga publikasyon sa Colombian Sign Language. Ang mahigit 1,400 kapatid na kasalukuyang naglilingkod sa 35 kongregasyon ng sign language at 11 group sa buong Colombia ay tuwang-tuwa na magkaroon ng kumpletong Bagong Sanlibutang Salin na magagamit sa ministeryo, sa personal na pag-aaral, at sa mga pulong ng kongregasyon.