MARSO 21, 2025
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Ini-release ang mga Aklat ng Bibliya sa Dalawang Sign Language Noong Marso 2025
Korean Sign Language
Noong Marso 8, 2025, ini-release ni Brother Stephen Lett, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang buong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Korean Sign Language. Ipinatalastas ito sa isang espesyal na miting sa Goyang, South Korea. May 7,226 na dumalo sa mismong venue, at 64,960 naman ang nakapanood ng programa sa pamamagitan ng videoconference. Naging available agad ang release sa jw.org at sa mga app na JW Library at JW Library Sign Language.
Ito ang unang salin ng buong Bibliya sa Korean Sign Language. Sa ngayon, mga 100,000 ang gumagamit ng Korean Sign Language, kasama ang mahigit 1,700 kapatid sa 39 na kongregasyon at 2 group sa sign language sa South Korea.
Ghanaian Sign Language
Noong Marso 16, 2025, ini-release ni Brother Joel Grim, miyembro ng Komite ng Sangay sa Ghana, ang aklat ng Bibliya na Mateo sa Ghanaian Sign Language sa isang espesyal na programa na ginanap sa lunsod ng Kumasi. Umabot sa 1,554 ang dumalo sa mismong venue. Napanood naman ito ng 424 sa pamamagitan ng videoconference. Pagkatapos ng patalastas, naging available agad ang release sa jw.org at sa mga app na JW Library at JW Library Sign Language.
Ito ang unang aklat ng Bibliya na naisalin sa Ghanaian Sign Language. Tinatayang 211,000 ang gumagamit ng wikang iyan. Sa ngayon, mahigit 1,250 kapatid ang naglilingkod sa 32 kongregasyon at 35 group sa sign language sa Ghana.

