Tagalog
Ini-release ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa Dalawang Wika Noong Mayo 2025
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025062/univ/art/702025062_univ_sqr_xl.jpg

HUNYO 2, 2025
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Ini-release ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa Dalawang Wika Noong Mayo 2025

Ini-release ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa Dalawang Wika Noong Mayo 2025

Kisi

Noong Mayo 25, 2025, ini-release ni Brother Winston Bestman, miyembro ng Komite ng Sangay sa Liberia, ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Kisi. Ipinatalastas ito sa 1,029 na dumalo sa espesyal na programa na ginanap sa Guéckédou, Guinea. May 2,467 pa na nakapanood ng programa sa pamamagitan ng videoconference sa ibang lokasyon gaya ng Foya, Liberia, at Koindu, Sierra Leone. Binigyan ng inimprentang kopya ng Bibliya ang mga dumalo. Mada-download din ito agad sa jw.org at sa JW Library app. Bukod diyan, ipinatalastas na unti-unting ire-release ang mga audio recording ng Bagong Sanlibutang Salin sa Kisi.

Halos isang milyong tao ang nagsasalita ng Kisi sa Kissiland, isang rehiyon kung saan makikita ang hangganan ng mga bansang Guinea, Liberia, at Sierra Leone. Mahigit 1,200 kapatid ang kasalukuyang naglilingkod sa 29 na kongregasyon at isang group na nagsasalita ng Kisi sa buong teritoryo ng sangay. Tuwang-tuwa ang mga Saksing nagsasalita ng Kisi na magkaroon ng tumpak na salin ng kumpletong Bibliya kung saan ginagamit ang personal na pangalan ng Diyos, si Jehova.

Solomon Islands Pidgin

Noong Mayo 25, 2025, ini-release ni Brother Jeffrey Winder, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Solomon Islands Pidgin. Ipinatalastas ito sa isang espesyal na programa na ginanap sa Honiara, ang kabisera ng Solomon Islands. May dumalo na 2,317. Napanood din ito ng 1,695 pa sa pamamagitan ng videoconference sa dalawang liblib na lugar sa isla ng Malaita. Tumanggap ng inimprentang kopya ng Bagong Sanlibutang Salin sa Solomon Islands Pidgin ang lahat ng dumalo. Mada-download din ang Bibliya mula sa jw.org at sa JW Library app.

Ang mabuting balita ay unang nakarating sa Solomon Islands noong 1953. Sa ngayon, may nakatira dito na humigit-kumulang 757,000 na nagsasalita ng mahigit sa 70 katutubong wika. English ang opisyal na wika ng bansa, pero ang Solomon Islands Pidgin ang pinakaginagamit na wika dito. Sa kasalukuyan, mga 2,100 kapatid na nagsasalita ng Solomon Islands Pidgin ang naglilingkod sa 38 kongregasyon sa buong bansa.