Tagalog
Ini-release ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Dalawang Wika Noong Abril 2025
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025044/univ/art/702025044_univ_sqr_xl.jpg

ABRIL 21, 2025
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Ini-release ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Dalawang Wika Noong Abril 2025

Ini-release ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Dalawang Wika Noong Abril 2025

French Sign Language

Noong Abril 6, 2025, ini-release ni Brother Jean-Claude Pons, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa France, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa French Sign Language. Ipinatalastas ito sa isang espesyal na programa sa isang Kingdom Hall sa Incarville, France. May 197 dumalo in-person, at 836 pa ang nakapanood ng programa sa pamamagitan ng videoconference. Mada-download din agad ang Bibliya sa jw.org at sa JW Library at JW Library Sign Language app.

Kahit may ilang aklat ng Bibliya na nagawa na noon, ito ang kauna-unahang pagre-release ng kumpletong Kristiyanong Griegong Kasulatan sa French Sign Language. Mga 200,000 tao sa buong France ang gumagamit ng French Sign Language. Naitatag ang unang sign-language na kongregasyon sa France noong mga 1970’s. Ngayon, mga 700 kapatid ang naglilingkod sa 8 sign-language na kongregasyon at sa 32 group sa buong teritoryo ng sangay.

Nahuatl (Huasteca)

Noong Abril 6, 2025, ini-release ni Brother Joaquín Reyes, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Central America, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Nahuatl (Huasteca). Ipinatalastas ito sa 2,356 na dumalo sa isang espesyal na programa sa El Tejocote Assembly Hall sa Mexico State. Napanood naman ng 457 ang programa sa pamamagitan ng videoconference. Lahat ng nasa assembly hall ay tumanggap ng isang inimprentang kopya ng Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Mada-download din agad ang Bibliya sa jw.org at sa JW Library app.

Mga 94,000 tao sa Mexico ang nagsasalita ng Nahuatl (Huasteca). Ang unang kongregasyon sa wikang ito ay naitatag noong 2002. Ngayon, may mahigit nang 2,200 kapatid na nagsasalita ng Nahuatl (Huasteca) ang naglilingkod sa 74 na kongregasyon at isang group.