ABRIL 19, 2021
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Indonesia at Timor-Leste, Sinalanta ng Bagyong Seroja
Lokasyon
East Nusa Tenggara Islands sa silangang Indonesia at Timor-Leste
Sakuna
Noong Abril 4, 2021, nagdulot ng malaking pinsala ang Bagyong Seroja, at maraming tao ang lumikas
Epekto sa mga kapatid
Di-kukulangin sa 236 katao ang lumikas
Pinsala sa ari-arian
Indonesia
45 bahay ang bahagyang nasira
8 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala
3 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Timor-Leste
19 na bahay ang bahagyang nasira
10 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala
Relief work
Sa Indonesia, inatasan ang isang Disaster Relief Committee (DRC) na mag-organisa ng kinakailangang tulong. Ang DRC ay nag-oorganisa ng pagkukumpuni sa nasirang mga Kingdom Hall at mga bahay na nagkaroon ng malaking pinsala
Ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay nagbibigay ng pampatibay mula sa Salita ng Diyos para sa mga naapektuhang kapatid
Pagkaraan ng bagyo, agad na nag-organisa ang mga elder ng matutuluyan para sa mga kapatid na lumikas. Namigay rin sila ng pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan. Inorganisa rin nila ang paglilinis sa nasirang mga bahay
Sa Timor-Leste, sinimulan na ng mga elder ang paglilinis sa nasirang mga bahay at pamamahagi ng pagkain at iba pang pangangailangan sa mga kapatid. Nagsaayos din ang mga elder ng matutuluyan para sa mga lumikas
Maingat na sinusunod ng mga kapatid ang lahat ng COVID-19 safety protocol
Nagpapasalamat tayo sa tulong na ibinibigay ni Jehova sa pamamagitan ng kongregasyong Kristiyano.—2 Corinto 9:13.

