Tagalog
Inaprobahan ng Bayan ng Fishkill, New York, U.S.A., ang Pagtatayo ng Bagong Support Center ng mga Saksi ni Jehova
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023310/univ/art/702023310_univ_sqr_xl.jpg

Larawan ng itatayong pasukan sa bagong Fishkill Support Center ng mga Saksi ni Jehova

DISYEMBRE 21, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Inaprobahan ng Bayan ng Fishkill, New York, U.S.A., ang Pagtatayo ng Bagong Support Center ng mga Saksi ni Jehova

Inaprobahan ng Bayan ng Fishkill, New York, U.S.A., ang Pagtatayo ng Bagong Support Center ng mga Saksi ni Jehova

Noong Oktubre 27, 2023, inaprobahan ng Town Planning Board ang plano para sa pagtatayo ng bagong mga pasilidad ng Bethel sa bayan ng Fishkill, New York, U.S.A. Ibig sabihin nito, puwede nang simulan ang konstruksiyon sa bagong Fishkill Support Center ng mga Saksi ni Jehova.

Matatagpuan ang mga pasilidad sa Fishkill Bethel mga 64 na kilometro sa hilaga ng Punong-Tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Warwick, New York, U.S.A. Ang mga kapatid sa Fishkill ay naatasan sa computer support, information technology, at iba pang departamento.

Itatayo ang bagong mga gusali sa 23-ektaryang lupa sa kabila ng kalsada kung saan makikita ang dati nang mga pasilidad ng Bethel. Ang support center ay magkakaroon ng isang 4,366-metro-kuwadrado na office building na may dalawang palapag, isang 1,393-metro-kuwadrado na maintenance building, at isang 1,393-metro-kuwadrado na recreation building. Kasama rin sa plano ang mga lugar para sa outdoor recreation. Maingat ding dinisenyo ang mga itatayong gusali para hindi ito makadagdag sa polusyon at makapinsala sa kapaligiran.

Larawan ng bagong Fishkill Support Center, na may (1) isang dalawang-palapag na office building, (2) isang recreation building, (3) isang maintenance building, at (4) mga outdoor recreation area

Mga kompanya sa labas ang gagawa ng kalakhang bahagi ng proyekto, pero pangangasiwaan ito ng ilang brother na naglilingkod sa Bethel. Inaasahang matatapos ang pasilidad sa Oktubre 2025.

Sinabi ni Brother Jason Kahle, na nakatira at naglilingkod sa Fishkill: “Hanggang ngayon, walang lugar sa Fishkill kung saan puwede kaming magsama-sama; halos mga kaniya-kaniyang tirahan lang namin ang nandito. Pero sa bagong pasilidad, may lugar na para sa marami sa amin na magkita-kita at magtrabahong magkakasama. Excited na kaming matapos ang bagong support center na ito!”

Ilang dati pang tirahan sa Fishkill Bethel, New York

Natutuwa tayong malaman ang tungkol sa bagong proyektong ito ng pagtatayo para lalo pang mabuklod ang mga naglilingkod sa Fishkill Bethel. Dalangin natin na lubos na pagpalain ni Jehova ang proyektong ito.—Awit 127:1.