Tagalog
Huling ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na Espesyal na Kombensiyon Noong 2024, Ginanap sa Santiago, Chile
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702024223/univ/art/702024223_univ_sqr_xl.jpg

NOBYEMBRE 15, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Huling ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na Espesyal na Kombensiyon Noong 2024, Ginanap sa Santiago, Chile

Huling ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na Espesyal na Kombensiyon Noong 2024, Ginanap sa Santiago, Chile

Ang huling ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na espesyal na kombensiyon ay ginanap sa El Trébol Assembly Hall sa Santiago, Chile, mula Oktubre 18 hanggang 20, 2024. Dinaluhan ito ng 9,140, at 59 ang nabautismuhan. Ito ang ikalawang espesyal na kombensiyong ginanap sa Santiago sa taóng ito at ang huli sa 15 espesyal na kombensiyon sa buong daigdig mula noong Hunyo hanggang Oktubre 2024.

Mga dumalo sa Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova sa El Trébol, Santiago, Chile

Isa sa 59 na nabautismuhan sa huling 2024 na espesyal na kombensiyon sa Santiago

Sa bawat lunsod na pagdarausan ng espesyal na kombensiyon, ilang buwang pinaghahandaan ng mga kapatid ang pagdating ng mga delegado mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa Chile, nagsikap nang husto ang mga kapatid para mainit na tanggapin ang 2,397 delegado mula sa 16 na bansa. Binago ng maraming boluntaryo ang iskedyul ng trabaho nila at personal na mga gawain para tumulong. Sinabi ng isang sister: “Hindi ko naramdaman na nagsakripisyo ako. Pagod nga ako, pero wala ’yon kung ikukumpara sa mga naging karanasan ko dito at bagong mga kaibigan. Hindi ko ’to malilimutan!”

Ito naman ang sinabi ng isang brother mula sa United States tungkol sa espesyal na kombensiyon sa Santiago: “Hindi ko kayang sukatin ang pag-ibig ng mga kapatid. Damang-dama agad namin ’yon pagdating pa lang sa airport.” Sinabi ng isang sister mula sa Peru: “Ito ang unang espesyal na kombensiyong nadaluhan ko, at sobra-sobra ito sa inasahan ko! Ginamit ito ni Jehova para patibayin ako.”

Mga miyembro ng pamilyang Bethel na nagpapaalam sa mga dumalaw sa sangay ng Chile hawak ang mga letrang nagsasabing “See You in Paradise”

Kasama ng mga kapatid sa buong mundo, nagpapasalamat tayo na pinagpala ni Jehova ang 2024 ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na Espesyal na mga Kombensiyon, kung saan nagkaroon tayo ng pagkakataong purihin at parangalan ang banal na pangalan niya!—Awit 34:3.

Nasa ibaba ang mga larawang nagpapakita ng pag-ibig, kagalakan, at pagkakaisa na naranasan ng mga kapatid sa lahat ng 15 ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na Espesyal na mga Kombensiyon noong 2024.

 

Asunción, Paraguay

Baie-Mahault, Guadeloupe

Budapest, Hungary

Helsinki, Finland

Lyon, France

Philadelphia, United States

Prague, Czech Republic

Reykjavík, Iceland

Santiago, Chile #1

Santiago, Chile #2

Santo Domingo, Dominican Republic

Sofia, Bulgaria

Suva, Fiji

Tampa, United States

Zurich, Switzerland