MARSO 27, 2019
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Hinagupit ng Bagyong Idai ang Southeast Africa
Noong Huwebes, Marso 14, 2019, nag-landfall ang Bagyong Idai sa Mozambique at nanalanta ito hanggang sa Malawi at Zimbabwe. Itinuturing itong pinakamalakas na bagyong humagupit sa bahaging timog ng mundo. Marami itong winasak na daan at istraktura, at mahigit 2.6 milyon katao ang naapektuhan. Mahigit 200 na ang kumpirmadong patay. At nakakalungkot, kasama rito ang dalawang sister at dalawang batang unbaptized publisher sa Mozambique at isang 14-na-taóng-gulang na brother sa Zimbabwe na namatay nang tangayin ng mudslide ang bahay nila.
Iniulat ng sangay sa Mozambique na maraming Kingdom Hall at bahay ng kapatid ang nasira o nawasak. Sa Zimbabwe, kinumpirma ng sangay na 15 bahay ng kapatid at 2 Kingdom Hall ang nasira. Sa Malawi, iniulat ng sangay na 764 na bahay ng kapatid ang nawasak at 201 ang nasira. Dalawang Kingdom Hall din ang nasira. Bumuo ng anim na Disaster Relief Committee, dalawa sa Mozambique at apat sa Malawi, para mangasiwa sa relief work.
Nakikiramay tayo sa mga kapatid na nagdurusa dahil sa sakunang ito. Ipinapanalangin natin na patuloy na magtiwala kay Jehova at bigyan ng kapayapaan ang lahat ng apektadong kapatid.—Roma 15:13.