Tagalog
2019 Taon ng Paglilingkod—Pinakamaraming Nabautismuhan sa Nakaraang 20 Taon
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702019293/univ/art/702019293_univ_sqr_xl.jpg

NOBYEMBRE 13, 2019
BALITA SA BUONG DAIGDIG

2019 Taon ng Paglilingkod—Pinakamaraming Nabautismuhan sa Nakaraang 20 Taon

2019 Taon ng Paglilingkod—Pinakamaraming Nabautismuhan sa Nakaraang 20 Taon

Masaya kaming sabihin na noong 2019 taon ng paglilingkod, mahigit 300,000 ang nabautismuhan bilang mga Saksi ni Jehova. Ito ang unang pagkakataon mula noong 1999 na lumampas sa 300,000 ang bilang ng nabautismuhan. Pinupuri natin si Jehova dahil pinagpala niya ang buong-puso nating pangangaral at paggawa ng alagad!

Noong 2019 taon ng paglilingkod, nagkaroon din ng mga internasyonal na kombensiyon at may mga inilabas na Bibliya. Naipakita rin ng mga kapatid natin ang pananampalataya nila sa maraming paraan. Halimbawa, marami ang tumulong sa pamamahagi ng relief. Ang sumusunod ay ilan sa kabuoang bilang na mula sa ulat sa buong daigdig. a

  • Bilang ng mga Lupaing Nag-uulat: 240

  • Dumalo sa Memoryal sa Buong Daigdig: 20,919,041

  • Pinakamataas na Bilang ng Mamamahayag: 8,683,117

  • Bilang ng Nabautismuhan: 303,866

Pinapakilos tayo ng magagandang ulat na ito na sundin ang payo ng ating Panginoong Jesus na makikita sa taunang teksto para sa 2020: “Humayo kayo at gumawa ng mga alagad . . . , na binabautismuhan sila.”—Mateo 28:19.

a Ang buong Ulat sa 2019 Taon ng Paglilingkod ng mga Saksi ni Jehova ay ilalabas sa jw.org at sa JW Library app.