MAYO 6, 2022
BRAZIL
Renovation ng Sangay sa Brazil—Nagsimula Na
Nagsimula na ang renovation project sa sangay sa Brazil, mga 140 kilometro sa kanluran ng lunsod ng São Paulo. Layunin nito na pagandahin ang mga pasilidad ng Bethel at palitan ang mga materyales. May mga hamon sa renovation project na ito. Ang mga renovation ay dapat planuhin at gawin nang hindi hahadlang sa mga gawain sa Bethel. Halimbawa, dapat tumira ang mga Bethelite sa pansamantalang mga tuluyan habang ginagawa pa ang mga kuwarto nila. Tinatayang matatapos ang proyekto sa loob ng limang taon.
Ire-renovate ng mga brother ang isang area na mga 75,000 metro kuwadrado, pati ang lahat ng opisina at 650 residence room. Magiging mas matipid ang pagmamantini at mas flexible ang mga pasilidad ng sangay. Halimbawa, ang mga dingding ng mga opisina ay adjustable para madali itong baguhin kung kinakailangan. Magkakaroon ng maliit na kusina at laundry sa bawat kuwarto. Maglalagay rin ng bagong mga appliance na mas eco-friendly at matipid sa tubig at kuryente.
Ang mga kapatid na magboboluntaryo sa proyekto ay titira sa pansamantalang mga tirahan sa property ng sangay. Kasama dito ang storage building na ginawang 25 pansamantalang tirahan para sa mga volunteer. At karagdagang 91 shipping container ang ginawang pansamantalang mga tirahan na katabi ng Bethel farm sa pasilidad ng sangay.
Mga shipping container na ginawang pansamantalang tirahan para sa mga volunteer
Sinabi ni Brother Joel Grigor, isang construction servant na nagtatrabaho sa proyekto: “Nakikita namin kung paano hindi lang sumusulong ang proyekto kundi kung paano din sinasanay ni Jehova ang bayan niya. Maraming volunteer ang dumating na may kaunti o walang karanasan sa construction, pero ngayon, dahil sa pagsasanay na tinanggap nila, sinasanay na din nila ang iba.”
Nagtitiwala tayo na saganang pagpapalain ni Jehova ang bayan niya habang ‘kusang-loob nilang inihahandog’ ang kanilang sarili sa proyektong ito at sa iba pang teokratikong pagtatayo.—Awit 110:3.

