DISYEMBRE 28, 2020
BRAZIL
Mga Pagbaha at Landslide sa Santa Catarina, Brazil
Lokasyon
Rehiyon ng Vale do Itajaí sa Santa Catarina na nasa timugang Brazil
Sakuna
Dahil sa malakas na pag-ulan na nagsimula noong Huwebes, Disyembre 17, 2020, nagkaroon ng mga landslide at marami ang napinsala
Epekto sa mga kapatid
22 kapatid ang lumikas
Nakakalungkot, isang sister na edad 65 ang namatay nang tamaan ng landslide ang bahay niya
Pinsala sa ari-arian
15 bahay ang bahagyang nasira
Relief work
Tumulong at nagbigay ng pampatibay ang mga miyembro ng Disaster Relief Committee (DRC), ang tagapangasiwa ng sirkito, at ang mga elder doon sa mga kapatid na naapektuhan, pati na sa pamilya ng namatay na sister
Nag-organisa ang DRC ng isang grupo ng mga kapatid sa rehiyong iyon para alamin ang mga kailangan ng mga naapektuhang lunsod at tumulong sa paglilinis ng mga bahay na binaha. Isinaayos din ng DRC na mabigyan ang mga kapatid ng pagkain at mahigit 2,000 litro ng tubig na maiinom. Ginawa ang lahat ng ito habang sinusunod ang mga safety protocol ng COVID-19
Nalulungkot tayo na isang kapatid natin ang namatay sa sakunang ito. Pero nananabik tayo sa panahon na “mawawala na ang kamatayan” at ang mga likas na sakuna.—Apocalipsis 21:4.

