Tagalog
Makasaysayang Panrehiyong Kombensiyon sa Azerbaijan
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702019198/univ/art/702019198_univ_sqr_xl.jpg

HULYO 30, 2019
AZERBAIJAN

Makasaysayang Panrehiyong Kombensiyon sa Azerbaijan

Makasaysayang Panrehiyong Kombensiyon sa Azerbaijan

Mula Hulyo 26 hanggang 28, 2019, ang mga Saksi ni Jehova sa Azerbaijan ay nagdaos ng kanilang taunang kombensiyon sa Darnagul Ceremony House sa kabiserang lunsod na Baku. Sa taóng ito ng mga internasyonal na kombensiyon, ang panrehiyong kombensiyon sa Baku ay makasaysayan. Ito ang pinakamalaking pampublikong kombensiyong idinaos sa Azerbaijan at ang kauna-unahang kombensiyong dinaluhang magkasama ng mga kongregasyong Azerbaijani at Russian sa bansa.

Mga 1,500 lang ang mamamahayag sa Azerbaijan, pero ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa kombensiyon ay 1,938. Ang bilang ng nabautismuhan ay 33. Binigyan si Brother Mark Sanderson ng espesyal na pahintulot para makapasok sa bansa at makapagbigay ng mga pahayag sa kombensiyon. Iyon ang unang pagkakataon na nakapagpahayag ang isang miyembro ng Lupong Tagapamahala sa kombensiyon sa Azerbaijan. Nagpapasalamat tayo sa mga awtoridad sa pagbibigay ng pahintulot na ito.

Napakagandang patotoo sa mga tao ang pagkakaisa ng ating mga kapatid. Napansin ng administrador ng pasilidad ng kombensiyon ang kapayapaan, pag-ibig, at kabaitan ng mga Saksi at na talagang ginagawa nila ang ipinangangaral nila.

Nakakaranas pa rin ang mga Saksi ni Jehova ng paglabag sa kanilang relihiyosong kalayaan sa Azerbaijan, pero unti-unti na silang nabibigyan ng higit na kalayaan. Noong Nobyembre 2018, ganap nang kinilala ng Azerbaijan ang mga Saksi ni Jehova bilang relihiyon sa Baku. Dahil diyan, mas malaya nang sumamba ang mga kapatid natin sa lunsod na iyon.

Nakikigalak tayo sa mga kapatid natin sa Azerbaijan dahil sa mga positibong kaganapang ito, kabilang na ang makasaysayang kombensiyon na idinaos sa kanilang bansa. Ipinapanalangin natin na patuloy na pagpalain ni Jehova ang mga pagsisikap na ‘legal na maitatag ang mabuting balita’ sa Azerbaijan at sa buong mundo.—Filipos 1:7.