Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

SETYEMBRE 14, 2016
TURKMENISTAN

Ibinilanggo ng mga Awtoridad sa Ashgabad si Mansur Masharipov sa Maling mga Paratang

Ibinilanggo ng mga Awtoridad sa Ashgabad si Mansur Masharipov sa Maling mga Paratang

Inaresto ng mga nagpapatupad ng batas si Mansur Masharipov noong Hunyo 30, 2016, sa isang parke ng lunsod sa Ashgabad, Turkmenistan. Sinusubaybayan na siya ng mga pulis mula pa noong tag-araw ng 2014 dahil sa kaniyang relihiyosong mga gawain bilang isang Saksi ni Jehova. Si Mr. Masharipov, 32 taóng gulang, ay pinaratangang sumalakay sa isang pulis, pero sa katunayan, ang mga pulis ang pisikal na nanakit sa kaniya. Dati nang nagbata si Mr. Masharipov ng pang-aabuso, pati ng pagpapahirap, dahil sa kaniyang mapayapang relihiyosong mga gawain. Noong Agosto 18, 2016, hinatulan siya ng isang korte sa Turkmenistan na makulong nang isang taon sa isang general regime colony. Inapela ni Mr. Masharipov ang hatol.