Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

OKTUBRE 19, 2016
SOUTH KOREA

Korte sa Apela sa South Korea, Idineklarang “Not Guilty” ang mga Tumangging Magsundalo

Korte sa Apela sa South Korea, Idineklarang “Not Guilty” ang mga Tumangging Magsundalo

Noong Oktubre 18, 2016, ipinasiya ng appellate division ng Gwangju District Court na ang mga tumangging magsundalo udyok ng budhi na sina Hye-min Kim, Lak-hoon Cho, at Hyeong-geun Kim ay hindi nagkasala ng pag-iwas sa paglilingkod sa militar. Ang tatlong lalaking ito, na puro mga Saksi ni Jehova, ang kauna-unahang tumanggap ng desisyong “not guilty” mula sa mga korte ng apela sa South Korea may kaugnayan sa isyung ito.

Nagpaliwanag si Judge Young-sik Kim: “Naniniwala ang Korte na tumanggi silang maglingkod sa militar dahil sa kanilang relihiyosong paniniwala at budhi. Ang kalayaan sa pagsamba at pagsunod sa udyok ng budhi ay konstitusyonal na mga karapatan, na hindi dapat higpitan sa pamamagitan ng pagpaparusa.”

Kung iaapela ng tagausig ang desisyong ito, makakarating ang kaso sa Supreme Court. Sa ngayon, naka-pending sa Supreme Court ang mahigit 40 kaso ng mga lalaki na hinatulang nagkasala may kaugnayan sa isyung ito. Sinabi ni Philip Brumley, General Counsel ng mga Saksi ni Jehova: “Kahit hindi pa kinikilala ng Supreme Court at Constitutional Court ng South Korea ang karapatang tumangging magsundalo dahil sa udyok ng budhi, sinunod na ng korte sa apela ang internasyonal na pamantayan na kumikilala sa karapatang iyon. Ang gayong pagkilala ay kinumpirma sa mahigit 500 desisyon ng UN Human Rights Committee.”