Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

SETYEMBRE 15, 2015
RUSSIA

Muling Paglilitis sa mga Saksi ni Jehova sa Taganrog—Kailan Matatamo ang Katarungan?

Muling Paglilitis sa mga Saksi ni Jehova sa Taganrog—Kailan Matatamo ang Katarungan?

Malapit nang matapos ang muling paglilitis sa 16 na Saksi ni Jehova sa Taganrog. Mahigit dalawang taon nang humaharap sa korte ang mga Saksi na sinampahan ng kasong kriminal dahil lang sa kanilang pananampalataya. Ang ilan ay posibleng makulong at pagmultahin nang malaki. Ano ang naging epekto sa mga Saksi ng mahabang pagdinig sa kaso? Ano ang nakataya kung makukulong sila?