Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

HUNYO 3, 2015
RUSSIA

Ministry of Justice Inirehistro ang mga Saksi ni Jehova sa Moscow

Ministry of Justice Inirehistro ang mga Saksi ni Jehova sa Moscow

Noong Mayo 27, 2015, inirehistro ng Ministry of Justice ng Russian Federation ang Local Religious Organization ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow. Ang pagpaparehistro ay nangyari halos limang taon pagkatapos ipasiya ng European Court of Human Rights (ECHR) na ilegal ang naging desisyon ng korte sa Moscow na buwagin ang legal na korporasyon ng mga Saksi.

Matapos ang ilang taóng paglilitis, nagpasiya ang Golovinskiy District Court of Moscow na buwagin ang legal na korporasyon ng mga Saksi noong 2004. Noong 2010, iniutos ng ECHR na ibalik ng Russia ang rehistro ng mga Saksi at magbigay ng bayad-pinsala. Nagbayad ng multa ang gobyerno ng Russia pero ngayon lang nito inirehistro ang mga Saksi bilang isang relihiyon.