Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ABRIL 13, 2016
RUSSIA

Tumindi ang Pagsisikap ng mga Awtoridad sa Russia na Buwagin ang Legal na mga Korporasyon ng mga Saksi

Tumindi ang Pagsisikap ng mga Awtoridad sa Russia na Buwagin ang Legal na mga Korporasyon ng mga Saksi

Sa ilang rehiyon sa Russia, patuloy na tinatarget ng mga awtoridad bilang “ekstremistang gawain” ang mapayapang pagsamba ng mga Saksi ni Jehova.

  • Tyumen, Tyumen Region. Pinaratangan ng prosecutor’s office ang isang Saksi na miyembro ng Tyumen Local Religious Organization (LRO) na ito raw ay “namamahagi ng ekstremistang literatura.” Matapos hatulan ang Saksing iyon, naghain ng demanda ang prosecutor para buwagin ang LRO. Magkakaroon ng pagdinig ang Supreme Court of the Russian Federation sa kasong ito sa Abril 14, 2016.

  • Elista, Republic of Kalmykia. Nag-utos ang lokal na hepe ng pulisya na halughugin ang Kingdom Hall sa Elista at “nadiskubre” nila roon ang literatura ng mga Saksi na kasama sa Federal List of Extremist Materials. Gamit ang gawa-gawang ebidensiya, naghain ng reklamo ang prosecutor ng Republic of Kalmykia para buwagin ang legal na korporasyon ng mga Saksi sa Elista. Nakabinbin ang kaso sa Supreme Court of the Russian Federation.

  • Ang iba pang kamakailang pagbuwag sa mga LRO, kabilang na ang nasa Stariy Oskol at Belgorod, ay nakabinbin din sa Supreme Court of the Russian Federation.