Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

HUNYO 15, 2015
AZERBAIJAN

Panawagan ng mga Saksi ni Jehova, Wakasan ang Di-makatarungang Pagpapakulong sa Azerbaijan

Panawagan ng mga Saksi ni Jehova, Wakasan ang Di-makatarungang Pagpapakulong sa Azerbaijan

Noong Pebrero 17, 2015, inaresto at ikinulong ng mga awtoridad sa Azerbaijan ang dalawang babaeng Saksi ni Jehova dahil ipinakikipag-usap nila sa iba ang kanilang paniniwala. Ikinulong sila sa ilalim ng mahihirap na kalagayan bago pa man litisin, at itinuring na mapanganib na mga kriminal. Pakinggan ang kinatawan ng European Association of Jehovah’s Christian Witnesses habang ikinukuwento ang sitwasyong kinakaharap ng dalawang babaeng iyon.