Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

MAYO 19, 2015
AZERBAIJAN

Pinalawig ng Azerbaijan ang Walang-Batayang Pagkakakulong ng Dalawang Babae

Pinalawig ng Azerbaijan ang Walang-Batayang Pagkakakulong ng Dalawang Babae

Pinalawig ng Ministry of National Security (MNS) ng Azerbaijan ang pagkakakulong ng dalawang Saksi ni Jehova, sina Irina Zakharchenko at Valida Jabrayilova, kahit hindi pa man sila nalilitis. Noong Pebrero 17, 2015, idinemanda ng MNS ang mga babaeng ito dahil sa pamamahagi ng literatura sa Bibliya nang walang “angkop na pahintulot” at ikinulong sila. Noong Mayo 7, 2015, sumang-ayon ang Sabail District Court na ikulong sila hanggang Hulyo 17. Pinawalang-saysay ng korte ang mungkahing i-house arrest ang mga ito sa halip na ikulong. Inapela ng mga abogado ng dalawang Saksi ang di-makatarungang pagkakakulong na ito at ipinahayag ang kanilang pagkabahala sa mental, emosyonal, at pisikal na kalusugan ng mga babae. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang iba pang mga Saksi.