Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

HULYO 14, 2015
AZERBAIJAN

Azerbaijan Dinagdagan ng Dalawang Buwan ang Di-makatarungang Pagkakakulong

Azerbaijan Dinagdagan ng Dalawang Buwan ang Di-makatarungang Pagkakakulong

Noong Hulyo 4, 2015, dinagdagan ng Sabail District Court ng dalawa pang buwan ang pagkakakulong sa dalawang Saksi ni Jehova bago pa man sila litisin. Kaya palalayain lang sina Irina Zakharchenko at Valida Jabrayilova sa Setyembre 17, 2015. Ayon sa mga imbestigador, kailangang ikulong ang dalawang babae habang inihahanda nila ang kaso para sa paglilitis.

Di-makatarungang ikinulong ng Ministry of National Security (MNS) ang dalawang babaeng ito noong Pebrero 17, 2015, dahil ipinakikipag-usap nila sa kanilang mga kapitbahay ang mensahe ng Bibliya. Samantala, patuloy na pinagtatatanong ng MNS ang iba’t ibang Saksi hinggil sa kasong ito, paulit-ulit pa nga ang ilan.